this is my story. Tawagin mo nalang akong ____ 20 years old living somewhere in metro manila. Hindi ako palakwentong tao pero narealized ko na sa kwento kong to madami akong matutulungan. Nagsimula akong makipag sex when I was 18 years old (2011) at the same age nakilala ko yung first bf ko. Very memorable yun kasi sa public namin ginawa yung bagay na di naman talaga dapat, pero wala akong nagawa dala nalang din siguro ng curiousity, I tried blowjob pero walang anal na nangyari. After that, gusto na nyang ulitin gabi gabi. Pero naging mahirap sakin kasi di pa ako masyadong liberated sa family (bantay sarado pa ko ng mama ko) Di din kami nagtagal dahil sa ilang bagay.
Dahil sa break-up namin naalala ko yung sinabi ng friend ko about dun sa planetromeo na gay site daw. Dun daw nakakakilala yung gay friend nya ng mga bi at gay din so, gumawa ako ng account, daming nagmessage pero may isang pumukaw ng attention ko, he invited me sa apartment nila somewhere in caloocan, since magkalapit lang kami pumayag na ako. Sinundo nya ko sa kanto nila at pinatuloy sa apartment, tas aun bgla nlng syang naghubad he fucked me but hindi sya nagtagumpay (aray kasi ako ng aray nun at dumugo na lang yung p_et ko. After that sunod sunod na yung mga nakasex ko may versa, may bottom at may top. Im versa bot pala. Mahilig ako sa mas matured sakin. Dun din ako nagka STD pero nagamot ko naman sya ng antibiotic. Dahil dun naglakas ako ng loob na subukang magpa hiv test sa Manila Social Hygiene Clinic (2012 nun).
Sa Jose Reyes Hospital sana ako magpapatest nun kaso di daw sila nagtitest nun (I forgot kung anong sinabi nila pero nirefer nalang nila ako sa MSHC which is katapat lang nila.) Napag kwentuhan kasi namin ng tita ko noon yung Jose Reyes na dun daw dinadala yung mga nakakagat ng aso at may hiv. Then I went to MSHC sa 2nd floor, grabe kaba ko nun pero nawala nalang sya bigla nung nakuhanan na ko ng dugo. Pinanuod pa samin kung pano napapasa yung virus at kung paano iaavoid yung sakit. Then makalipas ang ilang minuto tinawag na ko, kinausap ako ng dra. (forgot the name again, di kasi ako aware sa mga pangalan pero mataba pa yung dra. Nun) tinanong nya ko ng mga personal na bagay. Tas nung binigay na nya sakin yung maliit na papel nakaprint dun yung NON Reactive! tuwang tuwa akong lumabas nun at parating dasal ng dasal at nagpasalamat kay Lord, sabi ko pa nun Lord di na po to mauulit. Pero nakalipas yung ilang buwan natukso na naman ako sa Planetromeo hanggang sa nakipagsex na naman ako tas ayun na, may mga naramdaman na ko;
-nilagnat ako ng halos kumulang 3 weeks
-nangayayat ng sobra
-nagkaron ng pimples sa chest at ulo
-singaw sa lalamunan at labi. (Halos di ako makakain nun). After that gumaling din naman.
5 months later naramdaman ko uli na sumasakit yung likod ko, nilalamig parati, madaling mapagod, dumami pimples ko sa mukha at sa ulo, madaling antukin, mabilis tibok ng puso (minsan lumalakas nalang bigla yung tibok). May napansin din ako sa kuko ko na may something white na straightline na lumabas, at bigla bigla nalang sumasakit yung tyan ko, nagtatae ako parati ng tubig, pag wala namang laman yung tyan ko para na syang sinusuntok, sobrang sakit ng kalamnan ko mabilis din akong mangalay, may tumubong bukol sa leeg ko, masakit yung right ear :(.
Then nagpunta na ako ng monday (August 19, 2013) sa MSHC para magpatest uli kaso wala sila Holiday daw tas sabi sakin ng bantay, balik nalang daw ako sa tuesday, kaso di din natuloy dahil sa bagyong maring.
friday gusmising ako ng maaga kasi hanggang 11 lang sila ng friday. Dasal na ko ng dasal nun na sana negative yung result, at wag akong papabayaan ni Lord.
Kinuhanan agad kami ng dugo kasi hinahabol nila yung oras. After that tinawag na ko agad, nagtaka nga ko bat ako yung inuna hnggang sa nag usap na kami ni kuya lenard. kinouncil nya ko uli about sa hiv then after that he gave me the paper, when I open it Reactive yung nakalagay :( I don't know what happened pero parang di ako na shock. Iniexpect ko na siguro na positive yung result but sinabi nila na kelangan pa daw ng confirmatory kaya wag daw muna ako mag isip ng mag isip. So balik nalang daw ako after 2 weeks para kunin yung result.
Antay pa ko ng result. umaasa pa din ako ng himala ngayon na sana maging negative ako sa HIV, although madami na kong nararamdamang symptoms ng sakit. Pero who know's Lord is always there to guide us. Pagsubok lang to. Kung magiging positive man yung result, malamang sa malamang iinom na ko ng gamot na parang pills, kelangan walang laktaw kundi lagot ako :) Mabubuhay ako ng normal, kahit sabihin nating may HIV ako, I don't care! Basta gagawin ko lahat para makatulong pa din sa pamilya ko. Kung di man ako makapunta ng ibang bansa, gagawin ko pa din lahat ng paraan para kumita ng malaki dito sa pinas, mahirap lang kami pero di ako susuko. "kung ayaw madaming dahilan, kung gusto madaming paraan" hindi rason yung HIV sa pamumuhay natin, nakakalungkot lang kung ano yung iisipin satin ng iba,
Tanong ko nga sa sarili ko ngayon magkakaron paba ako ng happy relationship? Magkaka anak pa ba ako? Makakapunta paba ako sa ibang bansa? Pwede pa ba ko makipagtalik ng hindi nakakahawa sa iba? Haytzzz pero lahat ng bagay may dahilan. Kung mamatay man ako ng maaga, bahala na si Lord, lahat ng bagay may dahilan!!!
Smile lang :)
"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"
-Pozziepinoy-
If you have comments or questions, please click this link:
© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012
Credits:
Image by FreeDigitalPhotos.net
Tags: HIV Manila, HIV Philippines, AIDS Manila, AIDS Philippines, HIV/AIDS Manila, HIV/AIDS Philippines