Friday, October 25, 2013

My Story: Relationships, Drugs and HIV


Hi pozziepinoy. Just call me galaxy.

I just want to share my story.

Sabi ng friends ko late bloomer daw ako... Hindi naman daw ako pangit. Im 6 ft tall, moreno, matangos ang ilong, malinis sa katawan, may dimples at matalino. I'm a registered nurse pala. Nung college kami "head turner" yung tinatawag ng mga kaibigan ko sa ken lalo na kung gumigimik kami sa bar ang daming gusto makipagkilala, nagooffer ng drinks at kumukuha ng number ko kahit nga artista meron. Pero hindi talaga ako pumapasok sa relasyon, kahit textmate, chat or date wala talaga. Focus talaga ako sa trabaho, pamilya at  
pagiipon ng pera. Kaya kahit 21 na ako nun eh virgin pa din ako pero alam ko na na bading ako pero hindi lang halata pero hindi ko naman din dinideny kahit sa pamilya ko. I know my sexually preference and gender identity pero wala lang talagang nagpapatibok ng aking puso.

Isang gabi birthday yun ng college batchmates ko. So inuman sa bar, sayawan, as always maynakikipagkilala, may lumalapit pero deadma lang ako. Turn off kasi talaga ako sa agresive. Pero may isang lalaki na kumuha ng attention ko, sakto kakilala siya ng kaibigan ko kaya pinakilala niya ako. Gwapo siya, matangkad din at nurse din siya.


Nagtagala kami nun dahil nagpursige talaga ako na maging syota siya. Siya ang unang boy friend ko. Halos araw-araw kaming magkasama. Sa bahay na nila ako halos nakatira... Mga 1 year and 4months na kami nun ng sinabi niya na nagapply siyang papuntang london at inaya niya akong sumama pero dahil sa wala sa balak ko ang magabroad hindi niya ako naipilit. Ayun pumunta na siya ng london, pero nung nakapunta na siya sa london boom! Wala ng communication.... Non at all! Hangang nakita ko nlng sa fb ng kaibigan namen na may iba na siya. Sobrang sakit! Akala nga nila magpapakamatay na ako nun.

Umalis ako at nagbakasyon. May nakilalang guy sa isang bar sa cebu... Siya ang 1st casual sex ko... It feels like liberating. Yung wala kang pakialam. Happy lang, matagal din ako nagbakasyon nun sa cebu 2weeks. Lagi kami magkasama, inuman and sex. Siya din nagitroduce saken gumamit ng shabu. Nagustuhan ko ang feeling dahil sa parang nawawala yung problema ko. Yung saya lang always.

Nang bumalik na ako sa city namen. Back to normal ulit. Trabaho sa hospital. Tuwing may time inuman. Hanggang sa kahit sino-sino na lang ang nakasama ko sa bar na mga drug users din. Shabu at ecstacy. Pero wala ng sex. Inum, yosi, shabu at ecstacy lang. 2 years din yun. Hanggang sa may nakilala akong guy, hindi siya gwapo. Sabi nga ng friends ko di kami bagay. Hindi ko din siya love. Pero pumayag akong maging kami.

Unang sex namen may condom. Second sex wala. Then 1 week kami di nagkita kasi busy siya sa work at ako naman busy sa work din. Nung nagkita kami ulit sinabi niya saken na nagkatulo siya. Tinignan ko, oo parang tulo nga mejo greenish, pus like yung lumalabas sa ari niya. Pero dahil sa takot at hiya hindi kami nagpacheck. Ang ginawa namen nagsearch kami sa internet kung anong antibiotic pwede until sa nkahanap kami sa net. Bumili kami sa pharmacy at kaming dalawa ang uminom. After 3 days nawala na yung tulo at tinapos namen ng 1 week ang atibiotic.  Nagtagal kami, almost two years. Wala akong ibang kasex as in wala talaga. Naging loyal ako sa kanya. Huminto na din ako sa paggamit ng shabu at ecstacy. At nagtino na. Pero nagkaroon ako ng genital at oral herpes (yun kasi ang signs and symptoms niya as what what wee see sa internet) so sa internet na naman kami  
nagsearch ng gamot. At tumalab naman. Ewan ko ba kung anong nangyayari, pero back of my mind may takot na ako bka HIV. Pero dahil sa takot hindi kami nagpacheck. Until lumabo ang relasyon namen kasi puro selos na. Bat daw ako nagkasakit kanino ko nakuha. Pero ayaw naman niyang maniwala kasi nga wala nmn talagang iba. So hiwalay na.

Balik bisyo na naman ako. Shabu at ecstacy. Dun ko lang kasi nararamdaman na hindi ako rejected at welcome ako kaya dun ako tumatakbo lagi.

Nagkaroon pa ako ng 2 boy friend. Shabu user din sila kaya tuwing nagsesex trip kami walang condom talaga.

Nagising nalang ako isang araw at naisip kong ano na ba nagyayari saken. San na ba ako papunta? Kay ayun! Hiniwalayan ko ang boyfriend ko. Inayos ang sarili at nagfocus sa trabaho. Ang dami parin temptation, kaya after 8 months naisip ko mag UAE para makaiwas sa bisyo.

Ok na ang papeles ko. Nagresign na ako sa trabaho. Medical na lang kulang. At ng lumabas ang medical HIV+ pala ako. Matapang ko itong hinarap. Siguro dahil sa denial sa una nagpatest ulit ako kasama parents ko. At reactive nga. Gumuho mundo ko. Pati na ang pangarap ko nawala.

Dahil siguro sa ilang araw para mahintay ang confirmatory test. Nadepress ako, hinanapa ko yung nakilala ko sa cebu, at nagkita kami. Nagshabu, uminom at magsesex na. Kasi nga dahil sa galit gusto ko silang hawaan. Pero bigla akong natauhan, nung papasok na sana ari niya bigla akong umatras at sinabing maycondom ka ba? Since ayaw din nya ng may condom hindi na ako pumayag baka mahawa na naman ako kung ano man meron siya.

Tinext ko yung naging 3 boyfriend ko. Pero hindi ko sinabing positive na ako. Sinabi ko lang na. Baka gusto nila magpatest, sasamahan ko sila dahil nga sa nurse ako at sinabi ko na yun na ang bago kong trabaho. Isang hiv educator. Sinabi naman nilang nagpatest na daw sila at non-reactive daw silang tatlo. Baka din siguro sa takot o hiya kaya ganon response nila.

Nagpapasalamat ako. Sa parents ko na sobra sobra ang supporta pati ng kuya, tita and best friends ko. Alam na kasi nila.

Im on ARV. Head turner pa din kasi nga sabi ng doctor ko hindi ako halata. Hindi na din ako bumalik sa bisyo ko. Yosi, alak, shabu at ecstacy. Hindi na din ako gumigimik. Nakabalik na din ako sa trabaho bilang nurse.

Ngayon na HIV+ na ako mas naging malapit yung pamilya namen. Mas naging simple yung buhay ko. Natuto akong maging simple, kontento at matapang na harapin ang katotohanan.









"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: