Tuesday, December 31, 2013

Don't Be Scared!

Here My Story

Year 2010, sa hindi inaasahang pagkakataon, 

Ilang araw na masakit yung daluyan ng aking pag-ihi,masakit siya tapos parang may lumalabas na kulay green then may lumalabas din na kulay dilaw na maputi, dalawang linggo ko yun tinitiis, akala ko nga nung una UTI siya, pero hindi pala,kaya ang ginawa ko nung panhon na yun, nagresearch ako tungkol dun sa sakit na nararanasan ko that time, Sexual Transmit Disease/Infection.

Worried na worried ako that time, di makakain ng maayos, di makatulog ng maayos, madalas ako na nasa CR, iyak lang ako ng iyak nung mga oras na sumasakit siya,Kaya nagdecide na ako magpacheck up. Tama nga ang nabasa ko tungkol sa nararamdaman ko that time, STD/I ang findings nung Doctor na tumingin sa akin, ikinuwento ko sa kanya kung paano ko nakuha ang sakit.

Nakuha ko yung sakit na yun sa isang tao na may sakit, sa panandaliang makaraos, sakit pala ang aabutin ko.Kaya simula nun naging maging maingat ako sa mga taong nakikila ko at napagbibigyan para lang makaraos.

Sinimulan ko na Yearly ang magpaHIV Screen Test, from 2010 hanggang ngayon 2013.

Negative/Non-Reactive po ako.

Pero lately Sept 16, supposed to be dapat magpapacheck up ako, few weeks before that worried ako, parang nangangayat ako, di makatulog ng maayos, di makakain, kasi wala akong time para magpacheck up ulit, kaya one time nagdecide na ako magpacheck up sa Manila Social Hygiene Clinic, kabado, ninenerbiyos ako that time kahit nung kinuhanan ako ng blood sample for that HIV Screen Test. Nawala lahat ng pag aalinlangan ko nung ipinakita na sa akin yung result at nangako Ako sa sarili ko na gagawin kong ihemplo at pagkakaingatan ang sarili ko, iwas na sa mga bagay na alam kong mali.

Sana huwag po tayong matakot o mangamba kung may ganito kayong pag-aalinlangan sa mga sarili nyo.

Ibinahagi ko po  ito para mas lalo natin paigtingin ang Kampanya laban sa pagtaas at pagdami ng bilang ng may mga ganitong Case. Kaisa po ako sa laban na ito ng boung PLHIV Community.

Salamat po ng marami.

GA






"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: