Thursday, June 26, 2014

PLHIV Story: "Possie of Cebu"


Hello po sa lahat! 

It was June 27, 2013 nung nauwi ako sa Pilipinas dahil pina.deport ako from Abu Dhabi. Isang taon na din ang lumipas kung saan naranasan ko ang pinakamahabang lingo, araw, oras, minuto sa buhay ko. Isang taon ang nakalipas na akala ko hindi ko kakayanin ang  
mga pagsubok na dumating sa buhay ko.

I am working bilang OFW sa Abu Dhabi... Nagsumula bilang sekretarya hangang napromote ako bilang Manager sa isang prestihiyosong hotel sa Abu Dhabi at sa mundo. Sa loob ng isang taon na pagtratrabaho ko dun, di ko inaasanag lubos biyaya ang natanggap ko galing sa Diyos. May isa akong magandang tirahan sa Abu Dhabi, may malaking sahod,  may magandang hanap buhay, nakapag.travel na rin ako sa mga bansang gusto kong mapuntahan at nagsimula ng mag.invest dito sa Pilipinas. In fact, nanalo pa ako bilang Employee of the Year at ikalawang pinakamagaling na HR practitioner sa Gitnang Silangan at natatanging Pilipino na numinado. Lubos biyaya ang natangap ko at  wala na akong mahihiling pa sa Diyos, lahat ng pangarap ko natupad ko na at hoping na rin sana ako sa pagpursigi ng application ko sa Canada bilang isang immigrant at bilang isang Nurse.


Nung June 16, 2013, nung nagmedical ako for Residence Visa Renewal excited at super confident naman ako na wala akong sakit kasi wala akong nararamdaman sa katawan ko at di naman ako madaling mahawa ng Ubo at Sipon.

June 17, 2013, habang nasa kalagitnaan ako ng isa kong panayam, kung saan sana kukunin ako bilang isang District Nursing Supervisor ng isang Emarat ng UAE ng nakatanggap ako ng isang tawag, isang babae at pinapababalik ako sa Visa Screening Medical Center dahil may problema daw. Eh sa wari ko, baka kulang yung blood sample na nakuha o kaya nakontamenado yung kinuhang dugo sa akin kaya ako pinababalik.

June 20, 2013, bumalik ako sa center at nagpakuha ako ng dugo ulit... Tinanong ko ang nurse na isa ring kakabayan bakit ako kinunan ng dugo ulit... Sabi ko, may STD ba ako? at bigla syang natigilan kung ano ang isasagot nya... ilang segundo rin ang nakalipas ng nagbitiw sya ng salita "Hindi kabayan eh, nagkaroon ng Trace ng HIV ang dugo mo kaya  
kino.confirm" bigla akong napalunok at natulala ng bigla... pagkatapos nya akong kunan ng dugo, ay dali dali akong lumabas na di ko alam kung saan ako pupunta at sino kakausapin ko. Eh nasa abroad ako. Sumakay ako ng taxi at basta pinaalis ko agad2 ng hindi ko alam ang gagawin ko. Nahimasmasan ako at nagpauwi ako sa Hotel na pinagtratrabahoan ko, di makapaniwala at di ko matanggap na may HIV strain ako. Hindi maari, hindi ngayon kung saan malapit ng mabuo ang mga pangarap ko. Tulala sa Opisina, di alam ang gagawin, at palaging balisa...

June 26, tumawag ang Medical Center at nakipag-usap sa HR Director ko, ang wari nya "HIV positive ako at kailangan kong mai.turn-over sa authority"

Sabi ko at tanong ko sa Diyos, bakit ako at bakit ngayon pa..naging mabait naman ako sa kanya..

June 27, 2013, dinala ako sa Medical Center, kinuha passport ko, pina.Picturan ako katulad ng isang KRIMINAL na may pagkakakilanlan sa Picture. Kinuha yung Iris Scan ko at dinala ako sa detention cell. Dumating ako sa Detention Cell ng Mafraq Hospital sa Abu Dhabi ng bandang alas 5 ng hapon, sa isang silid at kinandado. Binigyan ng pagkain na hindi ko  
pinangarap na kainin dahil alam kong di naman kasarapan at di ako sanay sa pagkaing arabo. Ngunit dahil sa gutom ko, wala akong choice kun di kumain na para bang isang gutom. Diyos ko! Pinabayaan nyo ako.. Kung gaano kakomportable buhay ko, ay ganun nalang ka mesirable ang buhay ko sa Kulungan.

Sa isang sulok, may naaninag akong isang babae, Kabayan pala at isa syang Nurse doon.. Umiiyak at tinanong ko kung bakit sya umiiyak at sabi nya " Kanina pa kita tinitingnan, kaedad ka lng ng anak ko. Magpakatatag ka, lumaban ka... May plano ang Diyos... Mabait ang Diyos. Pag-uwi mo ng Pinas, magpagamot ka, ituloy mo ang buhay mo kabayan" at doon ko na wari, na wala akong karamay kun di ang sarili ko... Sa kulungan ko napagtanto na matatag ako at kailangan kung magpakatatag.. at dun ko na-encounter kung gaano ako  
kamahal ng panginoon.

April 28, 2013, 9:00pm ng gabi, dumating na ang dalawang mama, may dalang sobre, yun pala ang Release at Deportation Order ko na may kasamang Pera galing sa Kompanya ko, air ticket ko at yung mga gamit ko at sinakay ako sa isang Van na may rehas. Maraming tumatawag na kaibigan ko at kakilala ko kasi bakit daw biglaan uwi ko at kung uuwi ako, sila ang maghahatid sa aking sa Airport na tinangihan ko naman.. sabi ko "Ayaw kong umiyak kayo o nakita kayung umiiyak sa pag.uwi ko kaya di ako nagpaalam sa inyo. Hangang sa muling pagkikita" na hindi ko alam kung magkikita pa ba kami. Dumating kami sa Airport bandang alas 9:30 ng gabi, diretso agad kami sa Airline Counter ng Cathay Pacific... AUH-HK-CEB yung rota ko. at yung mga Police na escort ko ang nag.check in sa akin. Kung gaano kainit ang pagtangap ng employer ko nung una akong dumating sa Middle East ay ganun din kasalungat yung pag.exit ko sa Middle East. Lahat ng tao nag titinginan sa akin eh nagtataka sila kung sino at kung kriminal ba ako... hangang  
nakalagpas ako ng boarding gate... ang sarap ng pakiramdam ng mga oras na iyon kasi isang malaya tao ako. Dumating ako ng Cebu at sorpresang sorpresa pamilya ko bakit napaaga ang uwi ko.. Sabi ko, mag.retrench kasi... :) kaya dito nalang muna ako sa  
Pinas...

Nagpahinga muna ako ng 2 buwan, nagliwaliw at nung naging ready na ako, may isang mabuting samaritanong taga Bohol na possie din, at tinulongan akong pumunta sa kanyang Doctor at dun nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpatingin sa doctor at atupagin ang sarili ko.

August 29, 2014 nung nagpa.Confirmatory ako.. CD4 count ko is 289, Viral Load at 180,000 lng at normal lahat ng CBC ko at xray ko. September 10,2013 nagsimula ako ng ARV ko, Lami/Zido at Nevirapine... sobrang nanghina katawan ko ng 2 linggo ngunit kain lng ako ng kain at pinilit ko sarili kong bumangon at magpakalakas.

October 13, 2013, nagsimula akong magtrabaho sa isang Call Center sa Cebu bilang Complaints Specialist, nag.umpisa ako ulit buoin ang mga pangarap ko.. tinuloy ko ang Doctorate ko. Tuloytuloy parin ang biyaya, at ngayon isa narin akong HR Director at baka matatapos ko na Doctoral ko this March 2015.

Ngayon, parang hindi nag.exist yung Virus sa akin, hindi ko na nga rin naiisip na may HIV pala ako.. at yung ARV parang vitamins nalang. Back to normal na lahat ng CBC ko at lalong tumaas ang CD4 count ko na nasa 550 na ngayon...

Patuloy ngayon ang pagtulong ko sa mga taong nagiging possie dito sa Cebu.. they are texting me and I do refer them to my doctor.. minsan pinupuntahan ko sila... ito na number ko: 0923-622-3735 /0905-550-0148

Normal parin ang buhay pagkatapos ng lahat, at magiging matagumpay parin tau.. Maging happy lang always at mag.dasal palagi.... di tayo patatalo sa HIV.

Nagmamahal ang Possie ng Cebu

rt





"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: