Noong una, akala ko 'False Positive' lang kasi alam ko na bago lang yung bakuna ko sa MMR at Flu vaccine at malaki yung chance na mag cross react doon sa ELISA test na ginagamit sa HIV. Pero nandoon pa rin yung pangamba ko dahil alam ko sa sarili ko na may mga mali akong ginawa noon. Hindi ko na ilalahad kung ano at paano ako ng positibo sa HIV. Sobrang dasal ako sa Diyos na sana lang ay false positive yung resulta. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na false positive lang yung test ko. Ilang araw din ang pag hihintay ko. Ngunit nagsimulang magbago yung buhay ko pagkatapos kung matanggap at buksan ang confirmatory test na ang sabi ay 'Positive'. Dumilim yung mga paningin ko pero na handle ko naman yung situation na maayos. Hindi ko alam yung gagawin ko..parang gusto ko lang umupo sa harap ni doktora at makipag .usap sa kanya buong araw. Luckily for me, mabait yong doktor na ng asikaso sa akin sa testing center. Alam niya kung paano i counsel yung tao. Anyway, umalis ako sa clinic at bumalik ako sa review center namin, kinuha yung mga gamit ko at sabay alis kahit hindi pa tapos yung review class. Lumakad lang ako ng lumakad. Walang direksyon at walang patutungohan. Nasa isip ko na sana masagasaan na lang ako o di kaya ma hold.dap at mabaril, at least magaan lang na kasalanan yung keysa mag suicide ako. Ilang araw din akong balisa at tulala. Di ako makapaniwala na yung sakit na dati pinag aaralan ko lang sa medical school ay magkakaroon pala ako nun. Anyway, to make my long story short, may nakilala akong tao at tinulongan nya ako sa pag bangon ko. Isang taong gumabay sa akin. Taga Visayas din sya. Sa ngayon, unti unti akong bumabangon. Sinabi ko sa saril ko na 'virus' lang ito. It does not define me as a person and I won't allow it to rule my life. Ang HIV ngayon ay hindi na 'death sentence' hindi kagaya nung dati (prior to the advent of HAART or Highly Active Anti-Retroviral Therapy), isa na siyang chronic condition kagaya ng Diabetes or Hypertension kung saan may iniinom kang mga gamot para ma maintain mo yung kalusugan mo. Para sa mga kapatid natin na malaki yung 'Risks' of acquiring the virus, huwag kayong matakot mag-patest. Early detection and treatment matter a lot in terms of your longevity and survival sa infection. Hindi huminto ang buhay natin dahil sa virus at lalong hindi nakadepende yung direksyon sa buhay natin mula sa 'Stigma' sa mga taong hindi pa bukas ang isipan. Hayaan na lang natin sila, buhay natin 'to. Ang importante, may kapamilya pa rin tayo..tayong lahat na positibo ay isang pamilya na rin. Sama-sama natin itong labanan. Naniniwala ako na balang araw, may gamot na rin para dito. Besides, Prayers can still move mountains.
MD
Hi MD.
Thank you for your email. Thank you for sharing your story with me and my readers.
Please keep on fighting. Please hang on. Trust me everything will be alright and you will reach all your dreams despite having HIV. Like what you said, which I believe, everything happens for a reason, and perhaps you will find the answer to this soon.
If you want to talk to any of The Project Red Ribbon's Counselors, please don't hesitate to call our Hotline Numbers:
0919-642-9286
0977-131-2046
0917-899-0473
0917-932-3122
0926-697-2240
0916-216-2066
Also, you can join our private Facebook group for TRR. All you have to do is add me,
Pozzie Pinoy, and request to be added to the group.
I wish you well MD, and we do hope that we can meet you soon.
Stay healthy,
Pozziepinoy
"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"
-Pozziepinoy-
Want to be ASSISTED for the HIV TEST??
Check this link:
If you have comments or questions, please click this link:
© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012
Credits:
Image by FreeDigitalPhotos.net
Tags: HIV Manila, HIV Philippines, AIDS Manila, AIDS Philippines, HIV/AIDS Manila, HIV/AIDS Philippines