Sunday, September 21, 2014

Be Strong


Tatlong taon ako naghintay para lang makapagpatest, lagi nalang bahag buntot ko sa di ko malaman na dahilan. Tatlong taon ko sinubaybayan ang blog na ito. Sa paghahanap ko bout hiv natunton ko ito. sarap basahin ng mga story nila. Sobrang nakakaiyak na pakiramdam ko ay ako ung nasa ganung sitwasyon. 

Tatlong taon ako nagkaron ng stigma/delimma na meron ako, na positibo ako. hanggang isang araw may nakachat ako dito na positibo at kahit ganun pa man ay napaka positibo ng kanyang mga pananaw kaya ako ay naglakas lakasan ng loob na magpacheck.



Isa akong residente sa Nasugbu, Batangas. Kahapon (september 19, 2014)lakas ng ulan so nacancel yung lakad namin gawa ng bagyong mario. Inisip ko na may pumipigil sa akin na wag na ituloy. hanggang sa kakaisip ko inabot ako ng 2am ng madaling araw at nakatulog. September 20, 2014. Gumising ako ng 7am at lumuwas na manila. Nilakasan ko na loob ko. Nagkita kami ng kachat ko sa lrt buendia. Matiyaga nia ako sinamahan ng ilang oras. Ang mga nurse at counselor doon sa RITM ay napakababait. wala na ako mahihiling pa. Inisip ko na lang na kung positibo man ako, life goes on. 

Kinuhanan ako ng dugo. pagkatapos ay maghintay kami ng 2hours para sa resulta. ;) Pumunta kami sa robinson para kumain. Usap usap. Sabi nia negative ka. :) sabi ko salamat at pinapalakas mo ang aking loob. makalipas ang isang oras ay bumalik na kami sa RITM. isang oras pa kami nagintay para sa resulta. Halos mangatog ang tuhod ko nung nakita ko ang mga sobre. ok na daw resulta. Jusko lord eto na ang paghuhukom. Kung ano man po ang kinalabasan nito ay taos puso ko pong tatanggapin na maluwag sa dibdib. Un ang aking buong nasambit. 

Nagtataka ako no. 3 ako pero nauna pa tawagin ang no. 4 at yung no. 2. sabi ko naku lagot na mukhang ako ang pang finale nila. jusko tulungan mo ako ang aking nasambit. Tinwag na din numero ko at duon sa isang kuarto ako kinausap ng counselor ko. At ng buksan nia ang Sobra Nkita ko agad HIV NEGATIVE. Halos maglupasay ako sa tuwa, umiyak ako, niyakap ko siya at nagpasalamat sa panginoon at di nia ako pinabayaan.  

Pagkatapos nun ay ako at ung kaibigan ko ay pumunta sa quiapo para magsimba. At sabay na din umuwi. Wag isipin ang pangamba. :) kase mas mahalaga malaman ng maaga at ng maagapan ang pagkalat nito. Be strong enough. ;)



*** For those who have HIV and AIDS concerns, please do call our Hotline Numbers below:

0919-642-9286
0977-131-2046
0906-389-2402
 0917-899-0473
0927-823-0300 
0917-932-3122
0916-216-2066






"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: