Sunday, March 22, 2015

Proud to be a TRR Volunteer

hi kua pp.

Let me start my story when i was 16 years old. It was my 16th birthday nung sinabi ko sa family ko na bading ako. I know my hint na sila pero gusto nila ng confirmation galing sakin, At inaasahan ko na din na hindi nila matatangap na bading ako. Dahil dun pinauwi ako ng pampanga. And my gay life started there. 

I met one guy sa online gay site. I feel inlove with that guy. but because of work he needs to go back sa manila. Dahil mahal ko sya sinundan ko sya sa manila but our relationship didnt wirk talaga.

Dahil dun i feel na walang nag mamahal sakin at i feeI rejected ako. Iniwan na ako ng pamilya ko, iniwan pa ako ng taong mahal ko. Dahill dun natuto at naluling ako sa masamang bisyo (alak, yosi at droga) i met diff. guys to have partee n play (Drugs with unsafe intercourse) Until dumating ang 2012, hindi ko alam bakit ako tinext nung guy na nameet ko sa pampanga. Basta ang sinabi nya nasa hospital sya at kailangan namin mag usap. Inamin nya na may hiv sya at kailangan ko ding mag pa test. but tinangihan ko... ilang beses nya akong pinilit pero tinangihan ko hangang mag sawa sya. Isinali nya ako sa red ribbon online support group at introduce ako sa isang care manager. Pinilit din nila akong mag pa test pero i refuse it. Hindi ako takot sa magiging resulta, ang kinakatakot ko, ano ang sasabihin ng pamilya ko oag nag positibe ako. Bakla na nga may hiv pa.


Until dec. 18, hindi na ako makatulog sa kakaubo ko at hindi na ako makahinga. Tinext ki ung care manager ng red ribbon sabi ko mag papatest na ako bukas.., it was dec 19 nung nag pa test ako Sa ritm Malate. to make my story short nag positive ang result. Kinabukasan pumunta na ako sa ritm alabang. I had my baseline test. Then one day nag pa refill ako ng arv ko. nakiusap sakin ang care hub manager na kausapin ko ang isang pasyente na nawawalan na ng pag asa. Ang sabi ko sa sarili ko, pano ko kaya papalakasin ang loob nung pasyente kung ako sa sarili ko alam king hindi ko pa tangap na hiv positive ako at may dinadala akong sariling problema... pero sabi ko bahala na..Habang umaakyat kmi ng ward nag dadasal ako. Sabi ko, bless my lips lord, lahat sana na lumabas sa bibig ko e ma empower ko ung pasyente. To make my story short. gumaling ung patient. At after nya makalabas ng hospital nakipagkita sya sakin, sobra ung pasasalamat nya sakin at sabi nya kung hindi dahil sakin e patay na sya. ang sarap sa feeling na makatulong ka sa ubang tao. At doon nag simula ang volunteer life ko. 

Hindi lang bagong pamilya ang nakita ko. Kundi dahil sa Project Red Ribbon nakita ko ang purpose ko sa buhay. Sobrang pasalamat ko sa dyos dahil ipinakilala nya sakin ang project red ribbon.

Sa ngaun isa pa rin akong volunteer sa hub at isa akong parte ng awareness and education team ng project red ribbon.

im Mr. C. Na laging sasabihin, "im proud to be a trr volunteer"




Questions about HIV and AIDS?
Want to get tested?
CALL US!



TRR HIV Hotline Numbers 

0919-642-9286
0977-131-2046
0906-389-2402
 0917-899-0473
0927-823-0300 
0917-932-3122
0916-216-2066



"We act FAST when we CARE"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: