Sunday, July 20, 2014

My HIV Test Experience: Be Responsible and Get Tested!

Good day Pozziepinoy,

Let me share my whole HIV test experience. It's almost a year and a half  since my last unprotected sex. Hindi ako nag patest ng ganun katagal. Imagine yung anxiety attacks ko every day from that 1 year. Especially when you read thru the internet mga information about HIV lalo na mga signs and symptoms. Hindi mo mapipigilan iassociate yun sa mga nangyayari sayo. Nag ka fever ako last year almost 3 days sya tapos ma swollen lymph nodes at rashes sabi ko ay eto na to. Nag pacheck uo ako tapos acute viral infection lang daw. Pero HIV is a viral infection so grabe yung anxiety ko nun, na depress ako. Dumating sa mga araw na wala akong ganang kumain. Lumipas ang isag taon at nagkasakit na naman ako. Nilagnat na naman ako, sabi ko ulit sa sarili ko, kailangan gawan ko ng paraan to.


I don't know how and why pero isang araw napunta ako sa blog mo pozziepinoy, I read every experiences na shinare dyan and how you guys are very supportive of HIV + individuals. Your blog is heaven sent. Sobrang nakakenlighten sya. Halos isang buong araw ata wala ako ginawa kundi basahin ang blog mo. Salamat for establishing that site, I mean it wholeheartedly. Dumating na ang araw na magpapatest ako, random day lang, it was July 11. Sabi ko after 1 year and 6 months mapuputl na ang haka haka ko. Inisip o kung positive ako, "OO" mahirap sa una. Pero maikukumpara mo ang HIV sa hypertension at diabetes na kailangan lang ng maintenance drugs para okay, it's just the stigma that kills at sana mastop na yun. Kung non reactive naman, Thank God and I promise na hindi na ako gagawa ng kung ano mang bagay. Pumunta ako sa social hygiene clinic sa Makati City hall. Nangangatog at kinakabahan. Hanggang nagcounsel na nga, binigyan ako ng mga opening remarks and encouraging statements na Life goes on daw. Eto na nagextract na ng dugo, Pinag antay ako ng almost 1 hour kasi rapid test daw sya. And mind you, it was the longest wait of my life. Sobrang prayers and ginawa ko nun.

And then the result came on a folded paper, the nurse advised me to open it and check the results and  it's NON REACTIVE. Then lahat naging blur sa paligid ko, I just cried like a baby. Sobrang saya ko nun. It was the happiest day of my life aside from passing the Nursing licensure exam. So napatunayan ko na walang magagwa ang sobrang pagiisip. Be responsible enough kung alam mo na may ginawa ka especially engaging in unprotected sex you have to get tested. I just enjoyed life the second time around. Pozziepinoy, kung wala siguro ang blog mo, siguro hanggang ngayon nagiisip pa rin ako. And just advised me how can I help you guys or kung ano maidodonate ko or kung pwede ako makatulong sa endeavors nyo, I'll be very wiling to help and be more than happy to be a  part of your cause. 

Again, Maraming Salamat. At sa lahat ng tao dyan, It's never too late. Get tested, seek assistance on the red ribbon group. Know your status and Love LIFE. More power and God Bless. 

Regards,

JM





"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: