Friday, July 18, 2014

My PLHIV Story: Late Diagnosis, I Survived! Part 2


Around 9PM when we arrived sa isang malaking public hospital sa Davao.  
Almost 6 hours kaming nag stay sa ER, pahirapan talaga doon and admission process at buti nalang my mga kakilala kami. Due to my condition, sa IM - ICU sana ako ilalagay, but hindi pumayag brother ko baka mahawaan lang kami don. So they decided to have an ICU setting in a private room.

Pagdating sa room, agad-agad kinonekta ang tubo ko sa mechanical ventilator, oxygen port, at tatlong klase ng dextrose. "Sir, suction po tayo ha" ang sabi ng PDN. Nag thumbs up lang ako kasi I cannot speak. Pag suction eh ang sakiiiiit pala. Tila sinuyop ang puso at baga ko. Pinaayos ko rin ang tubo ko kasi mejo makati sa lalamunan at mejo masakit kapag umuubo.


Kinaumagahan, sunod-sunod nang nag rounds ang ID, Pulmonologist at Cardiologist ko.
Silang tatlo ay may tig iisang resident doctor na palaging nag momonitor sa kalagayan ko. Si ID ay isang babae na my pagka taklesa, si Pulmo ay isang Chinese-Filipino na mejo pihikan sa sanitation and visitors. Palagi niyang pinagagalitan ang mga PDN at ayaw nya ng maraming bisita. Si Cardio naman, ay bibung-bibo kasi nga mejo bata pa.

Halos lahat ng test at repeat test na naman ang pinagdaanan ko except for 2D echo. At sa lahat ng test ang ABG talaga ang pinaka masakit, lalo na kapag interns lang ang nag peperform nito. Before I was discharged, ni refer na naman ako sa Allergologist and Hematologist.  More or less 10 kilos din ang nawala sa akin kasi 1 week akong intubated.

On my 2nd day, may dumating na staff from Psychosocial Unit of HACT. What a small world, kasi magkakilala sila ni mama. Tinanong niya ako kung ok lang ba sa akin magpa test for HIV, thumbs up lang ulit reply ko sa kanya kasi intubated pa rin ako at pina pirma kaagad ng waiver.  Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan,pero natakot lang ako sa posibleng reactive na resulta kasi magkakilala sila ni mama at workmate ko ang isang anak niya. Ilang araw at gabi na naman ang nakalipas na hirap akong makatulog sa  
kakaisip, hanggang sa isang araw dumating ang resulta.

"Reactive ang resulta. After 2 weeks of TB meds start na tayo kaagad sa ARV" tugon ni ID. Paglabas ni ID, nilapitan kaagad ako ni Kuya at sinabihang wag mag alala dahil nandyan lang sila for me basta magpakatatag lang daw ako.  Mejo hindi pa kaagad nag sink in sa akin ang sinabi ni ID. Ako, si kuya at si PDN ang sabay-sabay na naka alam sa resulta dahil walang preno-preno si ID. Doon din namin nalaman na 12 nalang CD4 ko at may request for viral load test. Sinabihan ko nalang din si kuya through text message na siya nalang ang magsabi kina mama, papa at sa iba ko pang kapatid about sa result.

For 20 days in the hospital and in life and death situation, ang dami-dami kong realizations sa buhay:
*    Thank GOD and ask for forgiveness regularly;
*    APPRECIATE LIFE and always be READY;
*    Let your loved ones know about your status so that your support system will be FIRMED;
*    Every ACTION there is always be a REACTION sooner or later;
*    Regardless of what kind of experiences you have, KEEP MOVING FORWARD;
*    ACCEPT the PRESENT since it will make you STRONGER in the FUTURE;
*    Stay HAPPY and HEALTHY; and
*    Always remember that LIFE is a PURPOSE, YOU are still a BLESSING!

But last April 2014, I was readmitted for desensitization therapy kasi nagka allergy ako sa cotrimoxazole. This time sa private hospital na kasi na trauma sa process of admission sa previous hospital where I was admitted. Last June 12, it was indeed an independence day for me kasi graduate na ako sa daily injection ko for 2 months (streptomycin) at unti-unting naka recover na ang katawan ko. May 2014, pinayagan na ako ni ID to go back to work but I chose to still rest. Ang support ng family ko is always high, they were seems my 2nd line of physicians and provider of meds, vitamins, love and care. Gumawa din ako ng another FB account at nakilala ko ang my fellow PLHIV, you guys are the best outlet and  counselors. GOD bless us more! Kaya natin to!

Thank you for reading mga kapatid! Laban lang!


Yours with love,
Twelve






"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: