Thursday, July 17, 2014

My PLHIV Story: Late Diagnosis, I Survived! Part 1


Maayong Adlaw! (Good day!)  I’m from the southern part of the Philippines,  
23 and here’s my story…

PRE-DIAGNOSIS STAGE

March 2014, I decided to be admitted in nearest hospital due to my on-and-off fever, cough and difficulty in breathing lalo na during night time. Si mama and papa ang watchers ko, tila nag check-in lang kami sa isang hotel. Habang nasa hospital ako, series of diagnostic tests have been conducted. On my 2nd day being admitted, sabi ng attending physician ko my  
spot daw sa upper left lung ko at may pneumonia below. The rest of the tests were OK lang daw. Agad-agad nag pa sputum test ako and it was found out negative. But based on her clinical assessment,  PTB+ daw ako. So isolated kaagad si ako (huhu) and pina inom na niya ako ng 4-n-1 anti-TB med and referred to Pulmonologist. Early morning on the ff day, nagpakilala si Doc Pulmo at ‘di na siya nagpa ligoy-ligoy pa na tinanong ako if I have  
experienced SEX before. And I told him nothing but the truth. Pag alis niya, tumaas na  ang anxiety level ko, emo na ako, hindi na makatulog kasi iniisip ko na baka ito na yon the reaping season of what I’d done way back college days. My idea na kasi ako on what is really HIV because of the symposia I have been attended before.



The next day around 4AM nang nag rounds ang nurse checking my vital signs, todo tago  ako sa nararamdaman ko (kasi nag research na ako sa symptoms ng TB and Pneumonia.. hahahaha...denial stage activated) “ok lang” lagi isasagot ko sa mga tanong niya, but wala akong kakayahang itago ang results ng vital signs ko as monitored by the nurse on duty:

Oxygen level – 90 (Normal 95 – 100)
Temperature – 39.5 (up to 37.5)
Pulse rate – 145 (Normal 60 – 120 per minute)

After 5 minutes ang dami ng nurse at  doc sa room ko, nilagyan na ako ng oxygen, repeat ECG, nebulizer, binawalan muna akong lumakad-lakad..after nag rounds ni attending doc, nag order siya for repeat chest x-ray, sputum and 2D echo. Fortunately, nawala na daw ang spot sa 2nd xray but cannot rule out TB, negative pa rin ang sputom at normal lang ang 2D echo results ko. But my vitals worsen. Around 1PM, welcome to ICU na ako.

ICU ESCAPADE

Pagkapasok ko sa ICU, nakita ko ang babaeng intubated na nasa coma stage sa 1st bed. Vacant ang 2nd and 4th beds  at nasa 3rd bed ako. Oxygen, ECG at automatic BP ay kinabit kaagad sa akin. Nurses were kept on watching my vital signs sa monitor.

7PM –nature calls..at hindi ko napigiling mag pooooooo sa bed. So wet and black. Hahaha after nila akong nilinisan at binihisan, they moved me to 2nd bed and my vitals kept on turning so bad. Nawala na lahat ng hiya ko sa ICU dahil para na akong porn star doon at wala na akong matatagong part ng katawan ko. Around 9PM namatay ang patient sa bed 1. 11PM, may isang patient from OR na nilagay sa 3rd bed at pag check ng vital signs ay  
negative na so CPR kaagad ang ICU nurses and doc at narinig ko nalang “time of death…..”. Habang binawian ng buhay ang mga katabi ko, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko. Naaawa at natatakot ako. Nasa isip ko na baka ako na ang susunod. Buti nalang dumating ang mga kapatid ko at umuwi talaga sila sa aming probinsya (dahil sabi pala ng attending doc ko kay mama na any time ay pwede akong mamatay..pero di ko naman nakita at nararamdaman sa kanila na ganon na pala ang condition ko). Sadyang kay taas ng spirit ko to  stay alive.

The following day, sinabi na ng attending doc and pulmo ko na I will be referred sa isang public hospital sa Davao City kasi kompleto daw doon ang mga test (alam ko na kung ano na test ang pinahiwatig ni doc). Due to my worst vital signs, nag order sila na e-intubate nalang ako. Pinatulog ako ng resident doctor to perform the intubation pero bumalik ang consciousness ko dahil ang saaaaaaaaaaaakit talaga. Hindi lubosang umipekto ang  
anesthesia.

PORGATURYO NA BA ITO?

Ako ay biglang nagising sa pilitang pagpasok ng tubo sa aking bibig hanggang sa trachea (deep throat?.hahaha), akala ko ako ay patay na noon. Sigaw ako ng sigaw pero tila baga hindi sila nakikinig sa akin at pinanonood lang ako. Nakita ko si Papa, Tita, Kuya, 2 pinsan ko, nurses at doctor. Nasabi ko sa sarili ko na ganito pala kapag mamatay ng hindi handa,  
nakikita at kinakausap mo sila pero hindi ka naman nila naririnig at nakikita. Hanggang sa may narinig ako na boses ng isang babae, sabi niya “relax lang sir.. inhale.. exhale.. inhale.. exhale..” ang nurse lang pala. Nahimasmasan ako at na realize ko na buhay pa pala ako at may tali ang mga kamay ko sa bed. After intubation, hello NGT at catheter na rin ako.

Simula noon, mas napalapit ako ky Lord. I always pray to him, thank him for everything and keep on asking forgiveness of my sins. Mas na appreciate ko lalo ang buhay ko na kahit open na ako na ma positive (kay ate Elisa) I still have the chance to live and enjoy life once again. Iniisip ko rin palagi na hindi pa ako mamamatay kahit ‘di pa rin maganda vitals ko.  
Hanggang sa dumating na si mamang tsuper ng  ambulance na gagamitin going to Davao..

Itutuloy ang mas malala na istorya.. 

Yours,
Twelve







"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: