No Balance Billing of PhilHealth

Posted by Pozziepinoy on 12:25 AM

WALANG DAGDAG BAYAD

💟
Ang “No Balance Billing” Policy o “NBB” ay isang polisiya ng kung saan ang isang kwalipikadong pasyente (members at dependents ng Indigent, Sponsored, Kasambahay, Lifetime & Senior citizens) ay hindi na sisingilin ng karagdagang bayarin para sa mga serbisyo na ibinigay ng mga piling pasilidad na accredited ng PhilHealth.

Sa polisiya ng NBB, dapat na maibigay ng mga ospital ang kumpletong serbisyong may kalidad. Wala na dapat babayaran pa ang isang kasapi para sa kuwarto, gamot, supplies, laboratory, X-ray at bayad sa serbisyo ng mga doktor, nurse o midwives.

Ang isang kasapi ng PhilHealth ay maaaring lumapit sa PhilHealth CARES na nakatalaga sa mga piling ospital.

Maaari ring ipaabot ang reklamo, opinyon at kumento sa PhilHealth Corporate Action Center sa mga sumusunod na paraan:
a) Telepono : (02) 441-7442
b) SMS Hotline : 0917-898-7442
c) Email : actioncenter@philhealth.gov.ph
d) Facebook : www.facebook.com/PhilHealth
e) Twitter : @teamphilhealth