Email 595: Cold and Flu and Early ARV Treatment

May tanung lang ako.

 im on my 22nd day nang pag- tetake ng Arvs and nung ika 20th nilagnat ako at umabot ng 39c and after 2 hours ng rest sa company clinic namin bumaba din and i decided na mag leave muna para maka-fully recovered. And on the next day wala na kong lagnat but i have a dry cough ( i dont know kung dry cough siya kasi walang plema pero it was a hard cough until saturday ). I drink lang a lot of water kasi yun yung advice ng Doctor sa RITM-ARG last na nagpa cd4 ako. And until now yun pa rin ang ginagawa ko. 

My question pozzie right now inuubo ako tapos medyo sinisinat at masakit ang kasikasuan okay lang ba na uminom ako ng gamot over the counter para sa ubo? Di ko din kasi maconsider na side effect pa rin to ng nevi since may ubo na kasama. And andami kasing nagkasakit sa office ng trangkaso. And  Whenever ma- confine ba ko sa different na hospital kailangan ko i- stop ang pag inom ng arvs? Please help pozzie kaw lang kasi may contact sa mga doctors dun worried n kasi ako!  Thanks! 

A