i want to Share my experience on getting tested in RITM Satellite clinic
First of all, Thank you Pozzie I have been wanting to get tested pero i always find ways not to continue and then i found your blog and finally decided to get tested your commitment and dedication to inform others and the stories here helped me a lot
on that day, it was a friday, dapat sasamahan ako ng friend ko pero on the last minute di siya makakapunta. A friend of mine supposed to endorse me to his counselor na ok daw at mabait kaya nagdalawang isip na naman ako if i should continue or not kasi wala akong kasama mag isang oras akong nag isip, nasa may Ministop ako near the clinic and i
almost decided not to continue pero natauhan ako na kung di ko sisimulan ito, matagal na naman na panahon akong mag iisip kung ano ba talaga ang kalagayan ko.
i admit, i have been through a lot of sexual situations, i have had multiple partners and that put me on risk
to my suprise the clinic was homy, mababait ang mga tao and doesnt really exudes fear pero felt like friends na tutulungan ka
I undergone counseling, and to my suprise again yung counselor ko was the counselor ng kaibigan ko na dapat sakanya naman talaga ako irerefer i have learned a lot, during the counseling and i give thanks to the counselor na mabait at pasensosyo na kahit ako kwento ako ng kwento ok lang sa kanya. I have shared too much nga ata without realizing it. ang tagal namin mga 30 minutes ata kami nagusap he shared some facts and common misconceptions and shared personal experience too which i found comforting.
Puro kwento lang ako at tanong tapos after a while nakinig naman ako sa parang lecture niya about the virus. marami akong natutunan
being of a medical background medyo knowledgeable ako sa ganito pero iba pa rin yung may nakakausap ka, nagiging bobo ako paminsan dahil sa takot at nakatulong na may counseling na kasama sa hiv testing, di puro textbook lang ang alam ko
my blood was extracted after, bumalik na naman ang kaba sa paghihintay, the waiting was excruciating. buti na lang may tv. patuloy naman ang pagdami ng tao which i felt uncomfortable at first pero naisip ko we all came there for the same reason.
until today i remember almost all of the things na sinabi sakin before the moment i was given the result maraming kaming pinagplanuhan ng nakatokang counselor sakin kung ganun ang mangyari at marami rin kung anuman ang kinalabasan
Sabi niya Bro makalimutan mo na ang pangalan ko bilang counselor mo, ok lang basta
babaunin mo yung mga natutunan mo dito ayos na yun sakin.
tama nga naman, i was there for myself, kung di ko rin lang aalagaan ang sarili ko at ilalagay lagi sa risk ang sarili ko wala rin kwenta kung ano man ang lumabas na resulta, wala rin kwenta na nagpatest ako
NON REACTIVE. para akong nanalo ng award. napaluha ako sa tuwa nung binuksan ko ang
envelope at tulad ng isang regalo aalagaan ko itong award na ito corny man.
salamat sa Ritm satellite clinic sa mga nurse at staff
salamat rin Pozzie patuloy akong susuporta sayo maraming marami kang natutulungan sana may magawa akong paraan para makatulong lalo, di mo lang alam paano naging paraan itong blog mo para makatulong sa akin
Salamat sa Counselor ko, Arthur di ko nakalimutan pangalan mo promise matatandaan ko ang bawat ESSE at abcde at 4 body fluids na pinagsasabi mo. Nakatulong ang paguusap natin. promise babalik na ako every 6months at gagawing habit ang magpatest at irerecomend kita sa mga kaibigan ko para ikaw ang humawak sa kanila pag nakulit ko silang magpatest na din.
salamat loveyourself sobrang salamat sana marami pa kayong mga taga loveyourself na matulungan na tulad kong takot na takot harapin ang mga bagay na tulad na ito
salamat
THANK YOU
"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"
-Pozziepinoy-
Want to be ASSISTED for the HIV TEST??
Check this link:
If you have comments or questions, please click this link:
© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012
Credits: