My PLHIV Story: My Angel

Posted by Pozziepinoy on 7:40 PM

Hi PozziePinoy , thank for this blog ma shashare ko ang pasasalamat at suporta ko sa isang Hiv Testing Clinic.

I'm Loverboy hindi ko totoong pangalan , naalala ko nung lagi ako nananaginip na may mang yayari saking masama, isa akong adopted child nang pamilya , pero minahal ako nang buo nang pamilya ko ngayon , may mga kaibigan ako na kasma ko lagi, pag my promlema,broken hearted etc. Napansin nila wayback 2012 november , para ako my allergy sa mukha at buong katawan . Nag isip ako kung bakit ..Nag Flasback lahat nang tao na naka sex ko in the past 5 months then bigla akong natakot , nasabayan pa nang  palabas nang Abs-Cbn na pulang laso na about Hiv Positive . Bigla akong natakot at nangamba , laging tulala sa bahay at trabaho na kina alarma nang pamilya ko , pero syempre pra hnd sila mag worry sinabi ko na I'm okey .. Dahil lang sa trabaho ang problema ko .



This year nag launch ang Loveyourself nang isang pinaka malaking testing sa Manila Victoria Court, bigla akong napaisip na mag pa test nang walang pangalawa o pangatlong isip March 10 2013, nung nag pa test ako maraming tao , nahiya ako na pumasok , dahil nga pumunta ako alone .May biglang may lumapit sakin at sinabi na , mag papatest ka ang sagot ko "opo" , pumasok ako nang venue at nag sign up , malikot ang mga mata ko dahil baka my kakilala ako at once na meron , uuwi ako .. Pero wala kahit isa wala ako nakita na kilala , nag simula na ang HIV 101 ang nag handle samin si Neil Bryan , hindi ko makakalimutan na counselor , tahimik lng ako malalim ang iniisip sa isang kwarto habng may mga kasama nag tatanung sya pero ako tahimik lang dahil hindi ako mapakali dahil nga sa resulta agad nang Hiv Test , natapos ang Hiv 101, Group Faci bigla akong sumaya dahil lahat nang tao nakikioperate , after that .. Nag hintay kme pra sa pag kuha nang dugo , tinawag ang pangalan ko ... Bumilis tibok nang puso ko, namutla , dahil takot ako sa injection .. Yung ang kauna unahang injection ko dahil wla akong experience sa any hospital dahil hnd pa ko nag kakasakit nang malala ,after nang kuhaan nang dugo nag antay ulit .. Nag nangtangal nang kaba sa pamamagitan nag pakikipag usap sa mga taong nag papatest din .. Biglang lumapit di Neil Bryan at nag tawag nang numbet at ang numero ko ang tinawag "shocks" ito na ito na ang katapusan ko .. Damn! Tahimik ako nag lalakad with my counselor hanggng matutun namin ang kwarto pra makapag usap kme , umupo kme at bigla sabi nya "kamusta ? Ok lang kinakabahan kaba " "opo" wag kang kabahan hawak ko na ang result mo hindi ko pa alam ang resulta nito , binigay nya sakin at binuksan  
ko .. "ohmygad thank God" bakit anung resulta , binasa nya e2 at sinabi naintidhan mo ba ang nakasulat , Hiv 1 reactive Hiv 2 non- reactive , yes I'm positive , nanahimik ako at umiyak sinuntok ko ang mga hita ko , nag mura , na blanko , niyakap ako nang counselor ko , pinakalma .. Ang natatandaan kong sinabi ko " gusto ko pang mabuhay , kailangan pa ko nang pamilya ko , " madami,kming napag uspan hanggang sa makalma n ko , umuwi ako from quirino hangng doreteo jose nalakad ko dahil wala ako sa sarili ko ... Nang makarating ako nang bahay ... Nanahimik muna ako at mga bff ko ang bumungad sakin , "o kamusta test mo " nakangiti na prang walang nangyari .. Ok nmn thank God negative , sinabi ko dahil hnd pa ko ready until my bff ask "ok ka lang " "yes ok lang ako" umiyak :"( I'm Postive ... Hagulgul sa iyak , hanghng sa nag aya ako mag inom dahil ayun na ang last ko , nagpakalasing , hangng sa kinabukasan may text akong na received si Neil , kamusta n raw ako e2 nasa work na maga mata , hanggng simula nun , araw nya n ko kinakamusta at kinakausap dahil sa isang client na,katulad ko kailangan ko nang makakausap dahil nga sa stage ako ang depression , araw araw umiiyak ako kay neil , hindi sya nag kulang sakin nang text at tawag kahit my trabho sya , nakakatuwa lang dahil maswerte ako dahil may  
Loveyourself counselor na handang tulungan kme hanggang sa makakaya nila , hanggang sa nag start na ko mag punta nang ritm alabang with Neil , inischedule nya ko for the test and treatment for arv's natabi ko sya to support me , walang syang pakielam sa mga taong nasa paligid nya kahit iniisip na nang mga tao na ay positive din cguro 2 , hanggng sa ayun nga , ang start n ko nang meds continue ang communication , hanggang sumagi sa isip ko na ,  pano na ko , kailngan ko nangtaong mag aalaa sakin , dahil nga mag undergo ako sa trial period na tinatawag , nabaliw ako kasi hawak ko na ang mga gamot , dahil mababa ang cd4 count ko , biglang may lumapit na babae , umiiyak sa ritm , "wag kang umiyak totoy kaya mo yan , ako nga wala akong asawa my anak ako pero walang nag aalaga sakin pero nakayanan ko , makakayanan mo din ang pag subok na yan ," "umiiyak lang ako hab ng nakikinig sa babae, at bigla ako niyakap " pag uwi ko nang bahay .. Tulala ako ang nanay ko nasa kanto nang subd. Namin habng kausap ang mga friend nya,, tinawag akobpero dinedmanko sila pati nanay ko kasi nga wala ako sa sarili ko , hanggng sa pag pasok ko nang bahay ang ate ko ang nabungaran ko , nilapitan ko sya at umiyak ako , " bakit ano nang yari lalaki nanaman yan no!" ate usap tayo , pumunta kme nang,likod nang bahay at nag sabi ,ate Positive ako sa Hiv , "namutla ang ate ko at pinagsesermunan ako , alam ko ganun ang mang yayari , kaya hinayaan ko syab, umiyak,kmebpinag susuntol nya ko , pano n daw ang pangarap ko , pangarap nila sakin , pano na daw si mama, " ganyan ang reaction,nila lalo na nung si mama ang nag tanung bakit kaumiiyak , sinabi agad nang ate ko , sa kinatatayuan nang mama ko napaupo sya at nanlamig sa balita , binuhos nya ang inumin sa mukha nya pra mahimasmasan , oo gnyan ang reaction nila dahil wala silang knowledge about Hiv , mamamatay n daw ako , kausap ko p din ang counselor ko , hanggng sa sinabi ko na alam na nang,pamilya ko , gumwa kme nang paraan pra mawala ang pag iisip nila sakin , "nag kita kme ni neil sa cubao , yes pupunta sya sa bahay para kausapin ang pamilya ko , pra mawala ang mga pag iisip nila sakin , hanggng sa nasa bahay nabsya at kinausap ang pamilya ko , syempre iyakan nanaman , hanggng sa one month naka moveon na ang pamilya ko dahil sa lesson n binigay ni Neil Bryan sa pamilya ko , hanggang sa 6 months na ko nag aarv's and goodnews from 336 - 750 in 6 months a good start , binalita ko 2 agad sa counselor ko at pamilya ko lalo na sa mga mentor ko na nakapaligid kay neil , ngayon masaya ako sa buhay ko normal na buhay maswerte dahil andyan ang Loveyourself to support me,all the time ... Ginawa ko 2 dahil naiisip kna, iparating dito ang nagawa nang Loveyourself especially ni Neil sa buhay ko ... Taos puso kong tatanawin na utang na loob at hindi ako mag sasawa magnpasalamat sayo Neil Bryan dahil tinulungan mo .. Ikaw ang Angel nang buhay ko , maraming salamat sayo . Sa  
lahat nang bumubuo nang Loveyourself maraming salamat sa inyo ... Kilala nyo nanpo kung sino sino kayo ...

Pozziepinoy maraming salamat sa blog na 2 dahil kahit dito eh mabigay ko ang taos pusong pasasalamat ko sa Loveyourself at sa counselor ko na si Neil .. Mabuhay kayo Godbless you guys ...

-Loverboy-








"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: