PLHIV Story: Not Losing Hope

Posted by Pozziepinoy on 6:55 AM

Hi. Sa mga makakabasa ng aking kwento, sana po ay maging inspirasyon eto para sa inyo.

I came from the Southern part of the Philippines and has been living here in Manila for almost 5 years.

My story has started when I got exposed to the real world of being part of the 3rd sex. I never had a sexual encounters back in province and not even a kiss. I have had several sexual partners nung nandito na ako and mostly one-night-stand sa dami nila di ko na maala lahat ng names nung naging ka affair ko, hanggang sa medyo nagsawa na ako sa paulit-ulit na gawain. I used to serve the Lord back in College but I decided to stop muna  
kasi parang di pako handa na mag serve dahil sa mga nagawa ko. I asked the Lord na sana mahanap ko na ang para sa akin habang ako ay nag balik loob sa kanya, nag serve ako sa isa mga sa simbahan dito sa Manila bilang isang Choir Member at nag decide na rin ako na lumipat ng trabaho hanggat nakilala ko ang isang tao na nagpapatibok sa aking puso. Ka officemate ko sya at hindi nagkakayo ang edad namin. Naging close kami sa isat-isa at  
hanggat sa pinakilala nya ako sa mga childhood friends nya at hanggat sa ini-invite nya na ako sa bahay nila but as coworker kasi he just had this courage to disclose to his parents of his real sexual orientation mid of 2013. We have had several sexual intercourses protected/unprotected. Before kami gumawa ng unprotected sex ay usap usap muna kami of our medical condition and I guranteed him na I'm negative kasi hindi naman ako  
masyadong  involved sa sex na may penetration. Oo marami ako ka one night stand pero those were mostly oral at hindi naman ako nag papa-bott. We both agreed na mag pa test last Nov 2014 sa isa sa mga clinic sa QC na gov't owned. It never came into my mind na maging possie ako, while we were on our way to the testing center I was so confident and never did my heart beat fast of the outcome kasi none of the symptoms ng sakit na'to ay never ko naman naramdaman in fact tumataba nga ako from being skinny.


In the testing center, we have had a short seminar about this  sakit. After couple of hours na paghihintay namin sa result I was so excited to recieve the test result, so tinawag ako ng facilitator and we talked almost 30min. Hindi nya pa sinabi sa akin ang result at ako na ang nagtanong at sinabi nga nya na Reactive ang result ko but my partner is not. Nung narinig ko ang sinabi nya para akong hindi naka upo at nanlalamig ako at ang ulo ko ay parang sumasabog na hindi ko alam ang gagawin ko and all I said is "why"? Bakit nangyari sakin to kung kelan ko nahanap ang tao na matagal ko nang hinihintay and his at very high risk dahil sa mga nagawa namin previously. As I stepped put of the room, I pretended nothing happened and said I'm Non Reactive so he proceeded to receive his result. After syang kinausap ng facilitator, bigla syang nag tanong sakin bakit saglit lang sya kinausap at  
bakit ang tagal nung sa akin. Sabi ko, wala naki usyoso lang sya sa relationship natin pero I know he was not contented with that answer. Nung pauwi na kami sa kanya-kanya naming bahay hindi ko kaya ang malunok ang pagkain dahil sa nalaman ko and Im afraid of losing him and putting him into great danger. Two days after naglakas loob akong sabihin sa kanya kasi I planned to tell him after the confirmatory test pero hindi ko na pinaabot  
dun.

Syempre nung yna ay nanlulumo sya at hindi na matanggap tanggap ang result at dali dali nyang kinausap thru phone ang facilitator namin to confirm and ang narinig nga nya is yes I am reactive and they will forward my blood sample to DOH for confirmatory. After nun, we have had several serious talks about it and about my previous sex life kung kanino ko nakuha pero wala talaga akong suspect kung kanino ko nakuha. Until naging matanong na  
sya sa mga bagay-bagay hanggang sya hindi na full ang trust nya sa akin, at hindi ko rin naman sya masisisi dun. Sa halip na kamuhian nya ako at pandirihan ay nagbitiw sya ng promises na hindi nya ako iiwan at hinding hindi kami maghihiwalay at hindi nya ako pababayaan to fight alone at lalo nya pang pinalakas ang loob ko nung sinabi nya na may gamot dito dahil exposed din daw sya sa mga taong HIV+ kung paano nila na overcome ang acceptance. Hanggang sa parati kong sinasabi sa kanya na ikaw na bahal sa burial ko at ikaw na bahal mag inform sa family ko kasi wala akong confidence to disclose it to them kasi alam ko hindi nila eto maiintindihan lalo na nasa probinsya parents ko. One day he asked me if I could come with him pupuntahan lang daw kami sa isa nyang kaibigan. To my surprised, ang kaibigan nyang yung ang ang isa sa mga trusted friends nya at kaklase nya  
na nung nasa elementary palang sila at bigla syang may inabot sa akin, isang Test Result from DOH that has the word HIV POSITIVE and I saw his friend's name written on that paper. Sabi nya kelangan mong malaman na ako man ay nakikipag laban dahil gusto kong makatulong sa 'yo at sa inyo. He said he has been taking ARV for almost a year and his CD4 count went up. Sabi ko kanya isang malaking tulong ang mapagaan ang kalooban ko at may pag-asa pa akong mamuhay ng normal. So my partner has informed his family of our medical condition and since his father is a retired military man, so hirap silang tanggapin ang kalagayan ko at ang risk ng anak nila. Ang Mother nya pinagdadasal ako kasi relehiyoso din ito. I asked God to miraculously heal me and make my confirmatory test be negative and surrender my life and soul to him by serving him and I had a deal with him  
na papasok ako sa isang seminary school to show how regretful I am. Mag new-new year nun nung pinilit ako ng partner ko na doon mag celebrate sa kanila pero his father decided not to let me in sa bahay nila and instructed him to bring me back to our Apartment but he refused and said, kung ayaw nyo syang matanggap ay aalis nalang ako sa bahay na to at sasama sya sa akin. I begged him not to do it kasi baka mas lalong magkakagulo ang  
sitwasyon. Pinakalma ko sya at ang kuya nya maging ang mama nya ay pinakalma rin sya. I explained to him how strong I am and never will his fathers denial of my entry to their house freightens me. He apologized to me for what his father has done and he cried and hugged me tight and said "no one gives up" not even my karamdaman. I told him to come back to their house to celebrate new year with his family and he said yes he will. Pumunta ako ng Eastwood to celebrate New Year since wala akong ibang makakasama at least maaaliw ako kasi sa dami nang mga tao na nakikisaya. Oo natuwa man ako sa fireworks display but no one can take this pain inside me away.

Week had passed, so early January of 2014 na, We got a notification from the Testing Clinic na meron na confirmatory test result. As I opened the sealed enveloped, gusto kong umiyak pero di ko magawa sa nakita ko "HIV POSITIVE" daw ako. My partner hugged me tight and said everything's gonna be okay. Hindi ko alam ang nararamdaman ko at para akong sinabuyan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sya, baka napabilang narin ako sa mga cases ng nag suicide pag nagkataon. Sabi ko hindi ko sasabihin kelan man sa family ko, sapat na yung alam ng mga friends nya (2 of them) at nang family nya.


As I was instructed to undergo series of tests (CD4, TB  and some other Sexually Transmitted Diseases, buti at nag negative naman ako pero yung CD4 count ko ay wala na sa cut-off ng standard count as normal, nasa 339 ata ako and ang cut off ay 350. So the Doctor instructed me to prepare my body for an ARV treatment to increase my CD4 count again.

I started my ARV, LAMI/ZIDO at Neverapine ang binigay sakin kasi wala naman akong history ng rashes. Nyng patapos na sana ako sa trial Period ko bigla akong nagka rashes at tinigil ko agad ang Nevirapine and I switched to Efavirenz which is considered second liner na gamot na nakakahilo. This March lang ako nag start mag take ng Efavirenz at takot na  takot sa sinasabi nila na para ka daw uminom isang Mucho ng Red Horse ganun daw ang tama, takot na takot ako kasi hindi ako manginginom and this effect would last about 6 months daw. Nung unang gabi ng pag take ko hilong hilo nga ako pero kaya ko nman. The seond night hanggang ngayon sa awa ng Diyos hindi naman ako ginigising ng hilo compared nung first night na pag take ko ng gamot. So I wake up every morning as a brand new day na parang wala lang akong ininom last night.

Hanggang ngayon My Partner and I are going stronger at mag se-7 months na kami this April 10. Araw araw kami magkasama bukos sa weekend kasi nasa bahay lang sya. Hatid-sundo nya ako papasok at pauwi from work. Hanggang ngayon wala akong pinagsasabihan na kaibigan ko or kapamilya ko kasi ayokong marinig ang mga reactions nila baka kasi hindi nila ako matatanggap. Sa ngayon, bukas na yung kalooban ko at tanggap ko na ang medical condition ko at sabi ko nga sa sarili ko, these 3month meds
Supply would be my best friends until the last day of my breath. I know na hindi iyon tamang dahilan of not telling the truth to your family, but I am still open to disclosing it to my Parents someday.

Mahirap mang tanggapin pero hanggang sa "if only I could turn back time" nalang tayo. So payo ko sa mga HIV+ na tulad ko, wag mawalan ng pag-asa. Yeah posible na mas maiksi ang buhay natin conpared sa nga walang virus but it doesn't mean to say that we are limited to what we want to achieve. So don't limit your self as long as this is health for us at wala tayong inaapakang tao. Kasi kung hindi natin nalaman agad baka lalk pa tayong  
mapalariwara at hindi na natin nabibigyan ng halaga ang kalusugan natin. So sa mga positive na kagaya ko, sana maging instrument tayo sa mga ibang tao na ngayon ay hindi parin nila matanggap-tanggap sa sarili nila sa mga pinagdadaanan sa buhay.

Hanggang dito nalang po at salamat sa oras ninyo.


Regards,
Ric
HIV Patient







"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: