A Story of Love, Courage and Inspiration
Posted by Pozziepinoy on 3:24 PM
Dear Kuya PP,
Hello po. call me XXX, 24 year old from Western Visayas Region Vl. Dati po akong OFW sa Doha, Qatar, nagtrabaho bilang isang Sales and Marketing personnel ng isang kumpanyang pag mamay ari ng isang Sudanee (taga bansang Sudan) at ako lang ang nag iisang pinoy at ang mga kasamahan ko sa team ay 3 Indian nationals, 2 Syrian at 2 Sudanee. Ang boss ko po ay mabait gawa ng nakapag asawa sya ng pinay. Sa Qatar nagtrabaho ng maayos, nag ipon at nag enjoy. Maganda ang trabaho at hindi stressful at mababait ang mga colleagues. Hindi ko po ide deny na nagkarron po ako doon ng relasyon gawa ng kalungkutan na madalas rason ng mga pinoy na nasa ibang bansa which is totoo naman po dahil sa lungkot at pangungulila hindi po sapat ang mamasyal lang sa mall at manood ng mga nag iilawang buildings na matatanaw sa rooftop. Minsan po dahil sa marami po ako nakakasalamuha doon e may nag iimbinta sa flat tuwing weekends pero nag iingat po ako doon kasi maari ka traidorin ng kapya mo pinoy at ibenta sa mga hayok sa laman na mga arabo at mas masaklap pa roon e pagbibintangan ka na nagnakaw o di kaya pokpok at ikukulong, kasi ayon sa mga usap usapan doon na pag asian ang tingin nila e pokpok. Hindi po ako nagkaroon ng penetrative sex doon sa kadahilanang takot ako mahuli dahil tanging kurtina lng po nagdi divide sa bawat space o higaan ng flat.
Natapos ko po ang dalawang taon na pagtatrabaho doon at umuwi ng pinas pero hindi po ako dumiretso ng Iloilo dahil bago po ako nag abroad e may naiwan po akong isang karelasyon na Thai na nag aaral sa manila. Doon ako sa apartment nya tumuloy ng 6 months. Matagal napo ang relasyon naming magta tatlong taon na non. Since hindi po sapat ang dala kong pera e nagtrabaho po ako sa isang studio bilang isang photographer, videographer at editor. Sa aming pagsasama po ay may napupuna akong kakaiba sa bawat gabi bago kmi matulog. Pumapasok sya ng banyo at may dalang tubig. Nang sundan ko siya nakita ko na may iniinum syang gamut kaya ako nagtanong kung para saan ang gamot na iniinum nya? Ang sagot nya sakin isang taon na daw sya nag a anti-depressant gawa ng stress at problema sa pamilya nya sa Thailand. Hindi ko na sya tinanong tungkol sa problema nya kasi wala akong alam sa pamilya nya at ang tangi ko lang hawak na pagkakakilanlan sa kanya ay ang mga panahon na kmi nagsasama. At aaminin ko po sa loob ng aming pagsasama e may mga time po na nagse sex kami na walang protection o condom dahil sa tiwala ko po sa kanya. Tuwing walang pasok po at pareho kaming libre e lumalabas din kami pero may napupuna ako sa kanya na parang may malalim na iniisip at tinanong ko sya kung ano ang bumabagabag sa isip nya. Ang sagot nya sakin e kailangan nya na daw bumalik ng Thailand. Kailangan nya daw pamilya nya. Hindi ko na po pinigilan ang desisyon nyang iyon dahil mula sa umpisa pa e alam ko na di naman kami pwedeng magsama. Umuwi sya ng Thailand at naiwan na ako sa apartment, tinapos ko po ang 6 months rent contract ng apartment. Bago ko nilisan ang apartment naglinis muna ako at nag ayos para walang masabi ang may ari. Ngunit sa garbage bin namin sa banyo meron ako nakitang dalawang empty bottles ng gamot pero dahil ang sabi nya anti-depressant nya yon kaya di ko na binigyan ng pansin pa.
Umuwi po ako ng Visayas after 6 months stay sa Manila. It was February last year. Sobrang lungkot ko non dahil sa pagkakawalay namin ng partner ko na Thai. Na depress at kung anu anu na ang mga nangyayari sa health ko. Meron ako isang friend sa Fb na positibo sa HIV at sa di ko mawari bakit ako kinabahan at na open ko ang link nya. Tumambad sakin ang pills at bottles kapareho ng sa nakita ko na iniinum ng partner ko. Pinawisan ako at hindi mapakali. Nag message ako sa kaibigan ko sa FB na PLHIV at huminge ng tulong. Nag advise sya sa akin at binigay ang address ng HACT. Pero bago ako nagpa test sabi ko sa sarili ko “Bago ako mag Birthday, gusto ko malaman STATUS ko”. Nag mind set ako nag enjoy kasama pamilya ko at mga pinsan.
Dumating po ang March 5, 2014. Handa sa pre-testing at counseling. Inintindi bawat sasabihin. Nagpakuha ng blood samples at sinunod lahat ng proseso. The next day nagbakasyon ako ng Cagayan de Oro kasama 2 kong pinsan at Auntie ko. Nag celebrate doon ng Birthday hindi inisip ang kung anung magiging result ng tests. Dalawa at kalahating buwan ako sa CDO na nagbakasyon. Nang umuwi ako ng Iloilo pumunta ako kinaumagahan ng HACT para makuha ang result, yon pala April nasa HACT na ang result at hinihintay lang ako para mabuksan ang envelope. Sa HACT sa isang maliit at saradong room naupo ako kaharap ang isang nag counsel sakin nong nagpa test ako. Maingat ko binuksan at nag huminga ng malalim at tumambad sa harap ko ang nakasulat “REACTIVE”. Pero hindi po ako nag freak out o umiyak. Tumahimik lang ako sandal at pagka tapos tiningnan ang counselor at nangiti ako sa kanya. Ang akala nya negative ako kasi wala daw bahid ng lungkot o pamumutla o anumang negative reaction sa mukha ko. Pinakita ko sa kanya ang laman ng envelope at sinabihan ako, “ Andito lang ako, marami kami tutulong sayo, hindi ka naming iiwan”. Niyakap nya ako at naramdaman ko na ang gaan sa pakiramdam na hindi ko kailangan mag alala o mag isip ng kung anu anu na makakasama sa akin.
That month din po a week na makuha ko ang confirmatory ko e may nag text sakin na, “I’m inviting you for a whole day Quarterly Assembly Meeting”. Agad ako nag reply na asahan akong darating. Doon ko nakilala ang ibang PLHIV ng Iloilo, Bacolod, Antique, Capiz at Kalibo/Boracay. Masaya at nakaka inspire kasi nararamdaman ko na merong support ng mga advocates at ng Multi-Sectoral Partners na tumutulong din sa katulad naming at nagpapalaganap ng Awareness. Mula noon nag aatend na ako ng LGS o Learning Group Sessions at nagkaroon ng mga kaibigan na handang tumulong. Nag negosyo po ako at kahit papanu unti unti ko naibalik ang kumpyansa at tiwala sa sarili. Nag online selling ako at kahit papanu e kumikita na hindi umaasa sa magulang ko.
One year na po ako na diagnosed with HIV at sa loob po ng isang taon, marami po ako nagawa para sa kapwa ko PLHIV at sa ibang tao sa pamamagitan ng pag attend ng candle lighting, AIDS Day Awareness Celebration last Dec. 1, sumasali na rin ako sa mga trainings at ngayon isa na po akong CERTIFIED PEER EDUCATOR at nakapag roll out napo ako at nag bigay ng Talk regarding STI, HIV/AIDS sa isang school and attended by 200 students ng isang university.
Sa loob po ng isang taon lage ko po iniisip panu ko sabihin sa parents ko ang status ko. Pero wala po akong lakas ng loob na gawin yon dahil sa takot ko po at sa magiging reactions nila. Kinausap ko po yong namamahala ng HACT at ang ibang staff kung anu dapat ko gawin ngunit parang hindi ako nakukumbinsi ewan ko ba? Naiisip ko rin kasi na dapat ako muna ang gagawa ng hakbang at hihinge na lng ako ng guidance.
During the 7th Western Visayas Aids Congress umatend ako at doon pumasok sa isip ko na “ I guess this is the best time for me to let my family know what am I doing and what I am now”. During the program kumukuha ako ng pictures and even make selfie by the tarp where the name of the event is written. My intension is to make a curiosity sa family ko why I’m attending such event. After the event umuwi ako sa amin at napansin ko na may kakaiba na sa mga kinikilos ng mama ko, nagpunta ako sa house ng pinsan ko na nurse ganun din na parang kakaiba ang mga approach na nakakapanibago. Tapos nag text sakin si mama na punta daw ako sa bahay ng Uncle ko dahil kakausapin daw ako. Pero dahil sa sobrang kaba ko hindi ako tumuloy. Umuwi ako ng bahay at kumuha ng ilang damit dahil kinakailangan ko bumalik ng City dahil mayroon akong Peer Ed Training na pupuntahan sa loob ng 3 days. Sa training talagang nakinig ako at nag focus and I even participate sa lahat ng activities. Sa Peer Ed Training naman nag post ako ng mga pictures with the logo of Cebu Plus and ISEAN Hivos. After the Peer Ed Training umuwi ako ng bahay at nakahanda na harapin ang kung anu man ang mangyayari. Umuwi ako ng Saturday sa bahay at same scenario parin na kakaiba na lalo ang kinikilos ni mama. Nagpaluto ng kung anu ang gusto ko kainin, bumili ng dessert at binigyan ako ng vitamins. Nakakapanibago talaga, tapos sinabihan nya ako ulit na, puntahan ko daw si Uncle kasi kakausapin ako. Sabi ko bukas na lang. Sunday the next day nagsimba kami ni mama which is lage naming ginagawa na magkasama talaga kami nagsisimba at magkatabi sa upuan. Sakto ang homily ng pari non. Ang sabi: Sino mang ina hindi matitiis ang anak na nakikitang naghihirap, ngunit walang magawa ang Ina dahil kailangan gawin ng anak ang pasanin ang krus na maluwag sa puso nya para sa ating lahat. Season of Lent kasi kaya ito ang reading sa misa at homily ng mga pari. Napansin ko si mama na parang malungkot at nakapikit. Ramdam ko na ang mangyayari nong araw na iyon. After the mass I asked mom to stay, sabi ko “ma can we stay? may sasabihin lang ako”. I was really about to tell her o mag disclose na ako but mom said, “we have to go I have to look for Josie (a friend of my mom) because I have to ask something from her baka dina natin maabutan sa bahay nya kasi aalis yon ngayon. So I go with her to Auntie Josie but she left already. Dumiretso na kami uwi at pagdating ng bahay, pumasok agad si mama ng kwarto nya, matagal sya doon at naghintay naman ako, ngunit paglabas ni mama nakabihis na pambahay at sinabihan ako,
“pumunta ka na kay Uncle mo kailangan ka nya makausap”,
sabi ko “ma come with me”,
pero mom refused and said, “ikaw lang naman kailangan ni uncle mo makausap, sige na puntahan mo na don”. So I left the house at pinuntahan si uncle sa church nila kasi isa syang assembly of God. Pagdating ko ng church nakita agad ako ng uncle ko at nilapitan at agad niyakap ng mahigpit na umiyak sabay sabi “H’wag ka muna umalis, dito ka lang”. Since magsisimula pa lang yong 2nd mass nila nag stay ako at nag participate. after ng church nila, niyaya nya ako na doon mag lunch sa bahay nila at sumama naman ako. Sa table masaya kami nag uusap kasama ng family nya pero mailap si uncle sa mga tingin ko. Siguro malakas lang loob ko ng time na yon kasi pinaghandaan ko. After Lunch nanood muna ng noon time Sunday show at pagkalipas ng isang oras, tinawag nya ako sa room niya. Sa loob ng room pinaupo nya ako sa kama at sabay sabi
“mag pray muna tayo para mabigyan tayo ng light ni Lord at ma guide nya tayo sa ating pag uusap”. So we did pero bakit parang napakaconfident ko parin at hindi kinabahan. After nya prayer nagsalita si uncle at nagtanong. “Angelo lage mo iisipin how solid our family, mahal kita at mahal ka ng mama mo at lahat kami mahal ka naming, seguro naman nararamdaman mo yan how special you are sa family kasi bawat okasyon hindi pwedeng wala ka dahil isa kang mabuting anak at pinsan at pamangkin sa amin”. Walang anu anu e napayakap ako sa uncle ko at napaiyak, humagulhol at paulit ulit na nagsasabi ng “Sorry”. hinayaan ako ng uncle ko na umiyak hanggang sa pahikibi hikbi na ako. So nag usap kami ng uncle ko at lahat ng gusto niyang malaman at maintindihan ay sinabi ko. Ramdam ko sa mga oras na yon ang suporta ni uncle. Yakap yakap ako ng mahigpit habang naluluha sya sa akin. Umabot ng 3 oras ang pag uusap naming ni uncle na di na naming namamalayan. hawak hawak ni uncle ang kamay ko at paulit ulit sinasabi “andito lang ako at ni Auntie mo, mahal ka namin. Kung anu man ang sabihin ni mama mo, pagalitan ka, murahin ka o masaktan ka man nya, tanggapin mo na lang at huminge na sorry” hindi ka mag eexplain dahil ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Ok?” Pero bago pala ang pag uusap naming iyon ni uncle e, nag close door meeting na pala sila ng pinsan ko na nurse, auntie ko, si mama, uncle at asawa nya. Nag discuss tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Tumagal daw ng 4 hours ang pag uusap nila, iyakan, nagbitiw ng di magandang salita tungkol sakin pero dahil may alam din ang pinsan ko na nurse malaki ang naitulong nya sa pag uusap na iyo. Lahat naidetalye ng pinsan ko kaya nagtapos ang usapan nila na may solusyon.
Lumabas ako ng bahay ni uncle at deretso uwi ng bahay na hindi napansin ni mama. Nag nap ng isang oras at bumaba ng kwarto bitbit ang travelling bag, nagi guilty ako na hindi ko makausap si mama. Nagpaalam ako sa kanya pero hindi nagsalita si mama. Bumalik ako ng city na 300 lang ang pera sa bulsa. Sabi ko titipirin ko to hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Pagdating ko ng city nag message ako sa kapwa ko PLHIV na malalapit sa akin, 3 sila at sinabi ko sa kanila na nag disclose na ako at kinuwento ang nangyari. Napaiyak ako at nag comfort naman sila sa akin.
Sa loob po ng isang taon bago ako nag disclose sa family ko inalagaan ko po sarili ko, kumain ng tama at umiinum na ARV sa tamang oras, I seldom eat junks na and synthetic food and drinks kaya hindi ako nahalata ng tao at ng family ko na may sakit ako. Lage ko iniisip ang mga masasayang alaala at binibilang ko gabi gabi ang mga blessings ko kasi yon daw e nakakatulong para maging mas matatag at syempre Kapit Lang ky Lord yan ang pinaka sa lahat. Sa ngayon po I’m working in a call center two weeks pa lang sa job and actively po na nag a advocate. Sana po makatulong sa inyo at sa lahat po na kasamahan natin ang karansan ko na ito. KAPIT LANG KAY LORD!
Salamat din p okay Kuya Gerald Santos, Kuya Pozzie Pinoy at kay Tomasito Ang Suta.
Sumasainyo po,
XXX
Do you have questions about HIV and AIDS?
Want to take the HIV Test?
CALL US
TRR HIV Hotline Numbers
0919-642-9286
0977-131-2046
0906-389-2402
0917-899-0473
0927-823-0300
0917-932-3122
0916-216-2066
If you want to join a private HIV support group in Facebook, please add me, Pozzie Pinoy and request to be added in the group. We have a lot of PLHIV, counselors, HIV doctors, advocates and supporters who you can talk to.
MAY 11-15 is NATIONAL HIV TESTING WEEK!
GET TESTED!
"HIV is Everybody's Concern"
"We act FAST when we CARE"
-Pozziepinoy-
Want to be ASSISTED for the HIV TEST??
Check this link:
If you have comments or questions, please click this link:
© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012
Credits:
Image by FreeDigitalPhotos.net
Tags: HIV Manila, HIV Philippines, AIDS Manila, AIDS Philippines, HIV/AIDS Manila, HIV/AIDS Philippines