My HIV Paranoia and HIV Test Experience

Posted by Pozziepinoy on 8:35 AM
Hi, just call me Green who is living somewhere in Northern Mindanao. I am 22 years old, average in size and black in beauty (Moreno). I am a versatile, flexible and a leader in many ways. I graduated Valedictorian in High School and grabbed many awards even until College. I am a nurse and currently working as a Nurse in a Big Public Hospital as of  
the moment.


Why I am writing this message because I just wanted to let every person who is freaking out of maybe having HIV/AIDS. I would like to start where when I get active of having MSM. I have a classmate in high School na napaka gwapo. He has a perfect face, skin and height. Maputi, Chinito, matangkad at higit sa lahat Crush ng Campus, halos lahat ng babae at kabaklaan nagkakandarapa para lang mapansin niya. He was my classmate. He was my ultimate crush kaya ako very inspired to study my lessons and ng dahil nun nag Top ako. Pero nadurog ang puso ko nung nagka girlfriend xa, syempre God created Man and a women, it was Adam and Eve not Adam and Steve. Kaya I just forget it as time passes by until such time nagka girlfriend din ako pero hindi xa tumagal at naghiwalay kami ng girlfriend ko. Hanggang sa malapit na kami mag graduate, the guy yung dinescribe ko kanina brought me and him into closer relationship as best friend and dun nga nagka inlove-an kami hanggang sa naging kami na nga. It was the happiest time so far na experience ko so far. Palagi kaming lumalabas magkasama hangang sinusupechahan nga kami ng marami. Knowing I was a student model and siya ay Campus Idol kaya both of us were familiar faces in school. Naghiwalay din nga pala sila ng GF niya kasi hindi xa straight. Inaamin ko marami kaming first time. (I Dont Know sa kanya) pero halos gabi gabi pumunta ako sa business store nila kasi siya nag babantay after class. At maaga niyang e close yung store para kami ay magkakaroon ng time together. A time that will explore ourselves physically, tama po, nakuha niya ako and that was my first time. Even how painful it was to be bottomed, pero I found it very pleasurable kasi nga love ko siya. pero hindi ko siya na  bottomed kasi hindi niya kaya sabi niya. Lumampas din ng 6 months yung relation namin at nung nag College na ako ay lumabo ng lumabo hanggang sa naghiwalay kami and that was even painful nung na bottomed ako kasi every minute nasasaktan ako. And there was a time nakilala ko itong si Chinito, he was a transferee from another university. Hindi ko siya type naman. hindi niya ako type. Wala lng, we were just classmates. Pero nung nagtagal  
ay bigla kaming nagka gustuhan. Ako yung nag effort para maging kami at dun na nga. Naging kami. To make the sotry short, we lived together in the same room all the time of College years. and of course hindi nawala yung mga bagay bagay na sadyang makakapag bigay saya ng aming pisikal na bahagi. At dito naging versa yung relationship namin. Bottom ako sometimes and siya din naman kaya same lng. Hanggang sa one day nagkaroon siya ng fever, sore throat, headache, cough and colds. Nagtaka na ako bakit? Sabi niya nagka tonsillitis daw xa kaya ganun pero at the back of my mind I was thinking  
baka hindi lng ito ordinary tonsillitis pero tinago ko ang lahat sa kanya na paranoid na ako every single day. Palagi ko siyang tinatanong kung nag diarrhea ba siya palagi or tinitignan ko skin niya if my rashes and enlargement of lymphnodes while he was sleeping. Bigat talaga ang pakiramdam ko hindi kasi baka infected ako and what will happen to my future pero I am burdened knowing the fact baka nahawa ko siya from my previous  
relationship. Hindi ko matanggap tanggap na baka nga nahwa ko siya. Tinatago ko pa rin hanggang sa nagiging paranoid na ako kasi tinutukso talaga ako ng pagkakataon, pagkakataon na maging representative to be an HIV/AIDS peer educator, I studied books and marami akong nakikitang HIV. Yung seminar pa namin na kaming mga seniors ang nag host ay HIV/AIDS din ang topic, indeed nagin playful nga ang tadhana.

To make my story fastforward, marami pa sana akong e share pero medyo mataas na po talaga ang naisulat kong ito. Anyways, this year nagkasakit ako, na admit ako and the Diagnosis was Dengue Fever. Pero akala ko nung na discharged na kami, okay na. Hindi pa rin. Mas lalong lumala, my Doctor was suspecting with TB infection din at doon na nanlalamig ako dahil alam kong TB is one of the leading opportunistic infection of HIV/AIDS in the Philippines. Hahays, praning na praning na ako hanggang sa nag search na ako sa net. Kung ano ano na ang binabasa ko, I was even reading serious cases such as Lupus, Cancer, HIV/AIDS and kung ano ano pa. Lahat ng labs pina test k na din and halos di na mabilang ng fingers ko ang mga specialista ang pinuntahan ko. Wala pa rin akong ganang kumain and I have body weakness and diarrhea. I am feverish din sometimes. At hanggang hindi na ako nakakapag duty. I was lost in my profession. Wala talaga akong ganang kumain. Walang ganang mabuhay. I was even thinking of dying in my own ways pero pasalamat ako sa Diyos at sa pamilya at friends ko of encouraging me. It came into a point na gusto ko na talaga magpapatest for HIV. Pero it was very difficult for me to know my status. I had many plans, to let my friend get the result pagtapos na, or hindi na ako uuwi sa bahay if mag reactive and find another way to live. Madami na akong iniisip sa aking sarili not confessing it to my family. I was suffering alone. I was paranoid day and night alone. Hindi ko masabi sa kanila kasi im very discreet and my whole family is also homophobic. Ayaw nila na ganun. Until such time na pumunta ako sa may HIV Testing Center at sumakay na nga ako ng van at while on the road tinext ko parents ko na pupunta lng ako sa hospital to have some chitchats pero sa totoo nakasakay na ako ng van to let myself be tested for HIV. At the same time, tinext ko yung 6 years partner ko na magpapatest ako, sabi niya bakit daw? Sabi ko baka kasi I have one and my biggest fear is maybe I am infecting you also. I admit I was not loyal to him, may isang guy akong nakasex na hindi niya alam. Yung alam lng niya yung high school partner ko ahead of him. Pero he himself was not also loyal to me, he had also an affair with another guy and that guy  
was my bestfriend. Anyways, hindi ko na isasali sa story, I just to let you know na nag branch yung chain of sexual contacts namin. And at some point we may have been exposed with the virus. I was afraid and was praying while going there and hindi alam ng family ko. Nung malapit na ako, biglang nag text ang mom ko, and she was texting me kung saan nga ba ako kasi nga sabi nila meron silang mother's instinct. Deep inside hindi siya naniwala sa akin na nasa hospital lng ako malapit sa amin. And ng dahil nun umuwi nga lang ako agad not having myself tested kasi nga takot na takot na ako.

On the other Day, napansin ng family ko na parang tulala ako palagi. May palaging iniisip. Pero nakakatulog naman ako, hindi nga lng makakain. Wala akong gana and body malaise. Hanggang sa nag open na mom ko na may gusto ba daw akong ipa test? Kasi palagi nlng kami nagpapatest. Sabi ko Oo nay, meron. Gusto ko po sana magpapa HIV test. Sabi niya habang nagtaka bakit daw? Nakipag sex ba daw ako ng mga prostitute? Hahaha. Lalaking lakai nga turing nila sa akin. Di lang nila alam ang totoong dahilan. Sabi ko kasi sa kanila na na prick ako ng needle many years ago and baka na expose ako sa virus. A big LIE! At dahil nga alalang alala na sila sa akin, gumusto na din nila na magpa test ako. Nag iyakan na kami lahat, pati mga kapatid ko, uumiyak na din sila. Kasi sinabi ko sa kanila na, Nay, kung magpo positive ako, matatanggap nyu ba ako. Hindi ko inakala nung sinabi ng mom ko na Bakit hindi? tatanggapin nga natin ibang tao ikaw pa na anak kita? Kaya umiyak na naman ako. Parang gumaan yung pakiramdam ko sa assurance na sinabi nila. Before kami pumunta sa testing center nag pray ako ng malalim. Tiningnan ko ang mga bagay sa bahay na the time makikita ko ito ulit alam ko na positive ako. I will be living with the idea na may HIV na nga ako the moment I see this things again. And ito na nga, pumunta na kami with my mom and dad. Nung dumating na kami, wala pa lang reagents sila, at ang lakas pa ng boses ng Doctor na umentertain sa amin. Hiyang hiya ako ng nagtitinginan ang mga nurses at attendant sa ER. So inadvise kami na magtransfer ng Testing Center pero 2 hours away pa. Ayaw na namin ng mom ko sana pero my dad was very insistive na magpatest talaga. So ayun pinuntuhahan nga namin ng mom ko. yung dad ko umuwi na sa bahay to fetch my  
siblings. And while traveling to the Center that is 2 hours away, I was asking my mom, Sabi ko, wat if magpo positive ako, Im sure I can no longer go abroad, ano po gagawin ko sa buhay ko? Sabi niya, magpreacher ka sa bible and teacher sa high school yung school ko sa high school ko before. Sabi niya, if God's will to destined you on that life, wala tayong magagawa kasi HIS plans are better than ours. Baka may masama mangyari sayo sa  
abroad kaya baka the only way to prevent that from happening is to give you that kind of virus. So parang na alleviate na naman ang feelings ko. At least tanggap pala nila. Hanggang sa dumating na nga kami, ayun na. pina sign na ako ng waiver, pinabayad na kami at counseling na nga. Mabait po yung nag counsel sa amin. Panay tanong ko sa kanya, at parang nakukulitan na siya. Hahaha. sabi niya, parang sure na sure na daw ako na reactive ako kasi tinatanong ko kung saan niya ako e rerefer pagnakataon. At di nagtagal kinunan na ako ng dugo. at pababalikin nga lang kami ng 2 hours para makuha  
yung result. So habang nag hihintay ay kumain kami sa isang restaurant. Hindi hindi ako makakain. Makikita ko sa ina ko na hindi niya ipinapakita sa akin na natatakot din siya. Sinasabi niya sa akin, nonreactive ka, alam ko yun, instinct ko yun. Pero ramdam ko natatakot din siya. Habang oras na nga para kunin yung result, pero bago kami pumasok sa laboratory, umupo kami sa kabilang kanto ng hospital at nagdasal ng nagdasal ng taimtim. Nanlalamig kami pareho. Umabot pa nga sa punto na uuwi na lang kami at  
hindi na lang namin kunin ang resulta at kalimutan nlng ano man ang resulta pero nag pursige kami ng ina ko na makuha ang resulta ano man ang lalabas. So pumasok na nga kami sa lab at nakita ko si Ma'am counselor na busying busy. Ramdam ko na busy xa gumawa ng referral form kasi baka nag reactive na need niya e refer ako for confirmatory test. Naging paranoid na nga kami pareho, nanginginig kami pareho, awang awa ako sa inay ko. ramdam ko ang takot niya. Ka gagawan ko at pareho kaming nagdurusa. Tinitingnan namin bawat expression nila, kung ano ba tingin nila sa amin at naging clue nga  
namin iyon kung ano ang resulta. hindi sila makatingin, lalong natatakot na ako.

Lumabas si Ma'am Counselor at tinawag siya ng inay ko. Sabi ng Ina ko, Ma'am may result na? At sabi niya, ay andyan na pala kayo. pumasok na kayo mam at sir. Pinapasok niya kami sa room niya at doon na nga parang nawawala na ako sa mundo. Laking pagtataka ko pa bakit pinapasok pa kami? eh kung non reactive edi ibibigay niya agad sa amin yung resulta. Ayun pinapasok na nga kami, sinara ang door ng bahagya, pinaupo kami at umupo din siya. Sabi niya, saan ba kayo galing? Pinagdasal niyo ata sa Cathedral. Sabi ko habang  
nanginginig na hindi po ma'am, kumain lang po kami. At sabi niya agad. Wala naman po. Non reactive po. At biglang nagyakapan kami ng inay ko. Umiyak tlaga kami ng sobra sa harapan niya. Nagtaka nga yung iba sa labas ng counselor's room na medtechs din kung bakit nag iiyakan kami, siguro inakala na nila na nag reactive ako pero di ko pa na realize for how many years of freaking out na may HIV ako, atleast alam ko na Nonreactive pala  
ako using the Rapid HIV Kit. Pati Heb B and Hep C ay nag non reactive din. Bonus na bonus po talaga ang resulta. tinawagan ko agad Dad ko at yung partner ko. Na non reactive ako. pero bago pa pala kinuha ko yung result, palagi nag tetext yung partner ko kung kumusta yung result at kung ano man yun tanggap naman niya kahit it means he is also having the virus kung meron man ako. Pero atleast ngayon nalaman ko na nga. Umuwi kami at hanggang dito nlng din ang story ko about HIV Paranoia and HIV Testing  
Experience. Sana sa mga naghahanap ng kasagutan sa HIV status nyu. Magpatest na kayo, it is the only way to know your status. Walang mawawala sa inyu kasi kung meron man kayong HIV hindi nmn ibig sabihin you lost something. You even gain something that would lead to you to a newer and better life.

Green




"We act FAST when we CARE"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: