Email 28

Posted by Pozziepinoy on 9:08 PM


“Hi Pozziepinoy

Ako ay 21 taong gulang pa lamang. Noong Marso ko nalaman na ako ay infected na pala. Nitong Hunyo, 322 na lang ang aking CD4 count. Kailangan ko munang makapag pa lab tests para mabigyan ng gamot. Walang nakakaalam ng sitwasyon ko bukod sa iilang mga kaibigan. Aabutin ng limang libo ang gagastusin batay sa pag ko kompyut ko. Kasalukuyan akong estudyante sa kolehiyo at magtatapos na rin sa darating na Marso. 

May grupo ba na maaaring magbigay ng financial assistance sa mga HIV+ na nangangailangan ng tulong? Isa ako sakanila, ang totoo nga nyan ay hanggang ngayon di pa rin ako nakakapagbayad sa aking tuiion fee. 

Salamat po.

(Translation: I am only 21 years old. Last March, I found out that I was infected. This June, is CD4 count is only 322. I need to complete my lab tests before I can be given medicines. Nobody knows my situation aside from a few friends. Based on my computation, the expenses will reach P5,000. I am currently a college student and will graduate this coming March. 

Is there are a group that can provide financial assistance to those HIV + that need help? I am one of those and in reality, up to now, I haven’t paid my tuition fee yet.

Thank you).

-POZ”

POZZIEPINOY’S REPLY

“Hi POZ,

Dahil sa Tagalog mo ako sinulatan ay mas mabuting sagutin din kita sa wikang Tagalog. 

Tama ka na kailangan mo na ngang makainom ng gamot dahil ang CD4 mo ay mababa na sa cut off level. Kasi, kapag bumaba ng 350, minamadali na ng mga doctors sa HIV hubs na painumin kaagan ng mga ARV’s ang mga pasyente nila. Subalit, nangangailangan talaga na makumpleto muna ang mga laboratory tests para malaman kung anong klase ng mga ARV’s ang pwedeng ibigay sa iyo.
Tama ka din na may kamahalan ang mga lab tests na gagawin at karaniwan ay aabot nga ng mga P5,000 ang halaga ng mga ito.

Mabuti at sumulat ka sa akin dahil isa ako sa mga tumutulong sa kapwa kong may HIV lalo na sa pangangailangang pinansyal. Ang ginagawa ko ay tinutulungan ko silang pumunta sa RITM kung saan doon ay may libreng mga serbisyo o di kaya ay nakikipag usap ako kay Dr. Ditangco upang matulungan sila sa PCSO at sa Love Fund ng RITM-ARG. Sa sitwasyon mo, ang maitutulong ko lang ay ito. Pumunta ka sa RITM-ARG sa Alabang dahil nagbibigay sila ng libreng initial lab tests para sa mga baguhang tulad mo. Pati CD4 test ay libre doon. Mababasa mo sa ibang entries ko sa blog ko kung paano pumunta doon. Hanapin mo lamang si Ellen Domingo o si Maram Bartolome at sabihin mo ang pangangailangan mo. Libre din doon ang konsultasyon kaya wag ang mabahala.

Sana ay may naibigay akong tulong sa iyo. Kung may iba ka pang tanong ay sumulat kang muli sa akin.

Palakasin mo ang loob mo ha.”

(Translation: Because you wrote me in Tagalog, I will reply also in Tagalog.

You are right that you need to take medicines since your CD4 count is below the cut off level. Whenever the CD4 count is below 350, the doctors in all the hubs rush their patients into taking ARV’s. However, it is really a requirement to complete all laboratory tests to know which ARV’s to give to you.

You are also right that the lab tests to be done are expensive and usually will reach P5,000.
Good thing that you wrote me an email because I am one of those who help our fellow HIV’s who are needing financial assitance. What I do is I help them out by telling them to go to RITM-ARG where there are free services or I talk to Dr. Ditangco so they can help them with PCSO and The Love Fund of RITM-ARG. In your case, what I can do is this. Go to RITM-ARG in Alabang because they provide free initial lab tests to newly diagnosed like you. Even the CD4 test is free there. You can read from my previous entries on how to go there. Just look for Ellen Domingo or Maram Bartolome and tell them what you need. The consultation there is free too so don’t worry.

I hope I was able to help you. If you have other questions just email me again.


Stay strong,
Pozziepinoy



FOR TOPIC SUGGESTIONS, please email me at pozziepinoy@yahoo.com
DONATE to The Love FundThe Love Fund
Categories: ,