My PLHIV Story: M.D., HIV and Me

Posted by Pozziepinoy on 8:26 PM

Hello po sa lahat!

Gusto ko lang pong i share sa inyo ang story ko at paano ako kumukuha ng lakas para sa unti -nti kung pagbangon pagkatapos kung malaman na kabilang na pala ako sa statistika ng mga taong mg HIV na ipinalabas ng DOH nitong Hulyo. Masakit talaga,,sobrang sakit tanggapin na ganito ang naging kapalaran ko.  Ako po ay taga Visayas, graduate po ako ng Medisina sa isa sa mga tanyag na Unibersidad dito at mag ta.take na po sana ng board exam para makamit ko na ang aking mga pangarap. Sa kasamaang palad, nalaman ko na may HIV ako nitong nakaraang buwan lamang. Kung baga, incidental finding lang yun kasi bahagi siya sa tests sa immigration na ina.apply.yan ko.  


Noong una, akala ko 'False Positive' lang kasi alam ko na bago lang yung bakuna ko sa MMR at Flu vaccine at malaki yung chance na mag cross react doon sa ELISA test na ginagamit sa HIV. Pero nandoon pa rin yung pangamba ko dahil alam ko sa sarili ko na may mga mali akong ginawa noon. Hindi ko na ilalahad kung ano at paano ako ng positibo sa HIV.  Sobrang dasal ako sa Diyos na sana lang ay false positive yung resulta. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na false positive lang yung test ko. Ilang araw din ang pag hihintay ko. Ngunit nagsimulang magbago yung buhay ko pagkatapos kung matanggap at buksan ang confirmatory test na ang sabi ay 'Positive'. Dumilim yung mga paningin ko pero na handle ko naman yung situation na maayos. Hindi ko alam yung gagawin ko..parang gusto ko lang umupo sa harap ni doktora at makipag .usap sa kanya buong araw. Luckily for me, mabait yong doktor na ng asikaso sa akin sa testing center. Alam niya kung paano i counsel yung tao. Anyway, umalis ako sa clinic at bumalik ako sa review center namin, kinuha yung mga gamit ko at sabay alis kahit hindi pa tapos yung review class. Lumakad lang ako ng lumakad. Walang direksyon at walang patutungohan. Nasa isip ko na sana masagasaan na lang ako o di kaya ma hold.dap at mabaril, at least magaan lang na kasalanan yung keysa mag suicide ako. Ilang araw din akong balisa at tulala. Di ako makapaniwala na yung sakit na dati pinag aaralan ko lang sa medical school ay magkakaroon pala ako nun.  Anyway, to make my long story short, may nakilala akong tao at tinulongan nya ako sa pag bangon ko. Isang taong gumabay sa akin. Taga Visayas din sya. Sa ngayon, unti unti akong bumabangon. Sinabi ko sa saril ko na 'virus' lang ito. It does not define me as a person and I won't allow it to rule my life.  Ang HIV ngayon ay hindi na 'death sentence'  hindi kagaya nung dati (prior to the advent of HAART or Highly Active Anti-Retroviral Therapy), isa na siyang chronic condition kagaya ng Diabetes or Hypertension kung saan may iniinom kang mga gamot para ma maintain mo yung kalusugan mo.  Para sa mga kapatid natin na malaki yung 'Risks' of acquiring the virus, huwag kayong matakot mag-patest. Early detection  and treatment matter a lot in terms of your longevity and survival sa infection. Hindi huminto ang buhay natin dahil sa virus at lalong hindi nakadepende yung direksyon sa buhay natin mula sa 'Stigma' sa mga taong hindi pa bukas ang isipan. Hayaan na lang natin sila, buhay natin 'to. Ang importante, may kapamilya pa rin tayo..tayong lahat na positibo ay isang pamilya na rin. Sama-sama natin itong labanan. Naniniwala ako na balang araw, may gamot na rin para dito. Besides, Prayers can still move mountains.

Sa ngayon,  hindi ko pa pina.alam sa family ko ang condition ko. Hindi pa ako ready at natatakot ako sa kanilang reaksyon. Hindi ko alam kung ano yung reaction nila na yong kamag anak nila na magiging doktor ay positibo sa HIV. Pinagdarasal ko na lang na sana may ilang taon pa ako dito sa mundo para matupad ko yung misyon ko..dati gusto kong maging successful para sa sarili ko, para sa pang sariling interest. Pero ngayon nagbago na ang lahat..gusto ko na maging successful para matupad ko yung misyon ko...gusto kung tumulong balang araw sa mga kapatid natin na positibo rin sa virus..gusto kong tumulong sa pag bigay ng bagon direksyon sa mga taong hindi alam ang patutungohan pagkatapos malaman na positibo sila. Sana i grant ni Lord yung prayer ko na pumasa sa exam. Napaka unfocused ko sa review ngayon dahil sa condition ko..dahil from time to time, may episodes of depression pa rin..hindi pa sya nawawala completeley..Hindi pa talaga ako ready pero kinakailangan ko ng mag take sa exam. Pero ok lang kasi alam ko na hindi ako, hindi tayo pababayaan ni Lord. May dahilan ang lahat kaya tatagan mo yung pananampalataya mo sa Kanya. This is a challenge accepted and this will make us a better and stronger person. Salamat po sa inyong pagbasa.

Sincerely,
MD

POZZIEPINOY’S RESPONSE

Hi MD.

Thank you for your email. Thank you for sharing your story with me and my readers.

Please keep on fighting. Please hang on. Trust me everything will be alright and you will reach all your dreams despite having HIV. Like what you said, which I believe, everything happens for a reason, and perhaps you will find the answer to this soon.

If you want to talk to any of The Project Red Ribbon's Counselors, please don't hesitate to call our Hotline Numbers:

0919-642-9286
0977-131-2046
 0917-899-0473
0917-932-3122
0926-697-2240
0916-216-2066

Also, you can join our private Facebook group for TRR. All you have to do is add me,
Pozzie Pinoy, and request to be added to the group. 

I wish you well MD, and we do hope that we can meet you soon.

Stay healthy,
Pozziepinoy






"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: