My HIV Test Experience
Posted by Pozziepinoy on 7:41 PM
first of all i would like to admit that ako na ang isa sa pinakamatatakutin na tao lalo na sa usaping ganito.
every now and then the idea of the virus infecting me crossed my mind. Pag may nababalitaan na bigla nalang may namaalam na kaibigan. Pag may kakilala akong nagpatest o pag lumalabas sa News ang Alarming increase of number of cases, Laging napapaisip akong magpatest, pero kinalaunan kinakalimutan ko ito
Hanggang nagkasakit ako, I stayed at Home for a Week di bumababa ang lagnat ko. it was the worst fever ive had, pag tumatayo ako parang hihimatayin ako. i even got the Oral thrush na alam kong sa mga mahihina lang ang immune system ang naapektuhan
then i decided to go take the test. Aminado ako. Ive had some share of stories. ive had my escapades kung tutuosin nga ive had some some many many stories to share
and that put me at risk. i just have to know the result.
I went to Ritm Satellite clinic, yun pala ang Loveyourself Hub that ive search iisa lang pala yun sa nakita ko sa site mo Pozzie Admittedly Medyo nairita ako ng konti.. Konti lang naman. may process pa pala before getting the result nung sinabi sakin ng nurse
pero naisip ko konting tiis lang naman siguro dalawang oras lang. kakausapin lang naman ako
Someone called my Name, he's my counsellor pala like i said medyo nagmamadali ako for the result and testing pero being able to talk to someone about my fears and worries helped a lot. plus kudos to Ritm satellite clinic dahil eye candy ang counselor ko medyo nawala ang irita ko dahil kay mister counselor
it is the first time on a long long time that i was able to cry. i am so glad that my counselling na nangyari. i have learned so much it even opened my mind, that hiv isnt that scary which is a big big improvement for me
after two hours. or less pa nga. i got the result bumalik ang takot ko. ganun kabilis
i remember this scenario so clearly ang sabi ko "Pwede bang iuwe ko nalang ang envelope at dun ko na alamin?" he said " Bro, you are here, you decided to take the test and i am here solely to help you wala akong natatanggap dito, uulitin ko you are here and you
choose to face the reality, andito na ang realidad, haharapin mo na ba o papatagalin mo pa?
umiiyak kong binuksan ang envelope para akong nasa deal or no deal opening a briefcase and ang laman ng briefcase na nakuha ko ay Jackpot. jackpot na kasiyahan
im Nonreactive to all di ko alam ang sumunod nangyari napaluhod ako sa tuwa at umiiyak nawala ata masculinity ko. niyakap ko yung counselor ko nahalikan ko pa nga sya sa pisngi sa sobrang saya di ko sinasadya yun sobrang saya ko lang talaga bawal daw yun hug lang
daw pwede haha basta naguumapaw ako sa saya kahit ngayong tinatype ko to natutuwa ako sa results ko
i will change for good after this. marami pa akong magagawa at kailangan baguhin i am changed because of this experience. di nako takot at di nako mang mang sa mga bagay bagay. alam ko na paano iiwasan at paano ko matutulungan at mahalin pa ang sarili
ko salamat sayo Pozzie, sa Nurses and staff ng Ritm sorry kung medyo atribida ako kinakabahan lang talaga sa Counselor ko na si Arthur at kay God. salamat ng sobra
Loveyourself you dont know guys how big of an effect you dented my life and views. for good. SALAMAT SOBRA as in salamat
Pozzie sana pozzie marami ka pang mainsipire at matulungan
I AM CHANGED
"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"
-Pozziepinoy-
Want to be ASSISTED for the HIV TEST??
Check this link:
If you have comments or questions, please click this link:
© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012
Credits:
Image by FreeDigitalPhotos.net
Tags: HIV Manila, HIV Philippines, AIDS Manila, AIDS Philippines, HIV/AIDS Manila, HIV/AIDS Philippines