Hi Pozzie,
I just want to share my story about my experience during and after the HIV screening. First week of December nilagnat ako for 5 days, I decided to go to a hospital for check up, after the test they found out na normal naman ang platelet count so they right away discharge me, pero the following day everything gets worst,hindi pa din bumaba ang lagnat ko at ang sikmura ko ayaw ng tumanggap ng pagkain kahit tubig, lahat sinusuka ko na, so I decided again to go back doon sa parehong ospital, they redo the test and the doctor was surprised kasi bumagasak ang platelet count ko to 120 eh ang normal ay 150, so they decided to admit me, nag stay ako doon ng 7 days. The doctors final diagnosis is Dengue Fever.
2nd week of december after ako ma discharge nilagnat na naman ako ng isang araw lang, after ko uminom ng madaming tubig nawala naman siya agad, pero the following week ayun na naman nilalagnat na naman ako ng isang araw lang same pa din water, water , water lang. One day sabi ng friend ko '' alam mo biglang bagsak yang katawan mo '', she then asked me to try HIV tests sa RITM malate, at first I was hesitant kasi alam ko sa sarili ko na negative ako kasi nga almost 1 year kaya akong walang sex.. still she insist so by December 29,2013 doon na natuloy ang pagpunta namim sa RITM Malate. Medyu nawala lang kami kasi medyu tago ang clinic which is near 7/11 store Leon Guinto Corner Remedios street.
I love RITM kasi lahat ng staff nila approachable at mababait, pagpasok ko nagulat ako kasi madami palang tao ang nandoon, bakla, lalaki, babae, bisexuals, kaya medyu natakot at nahiya din ako, pero sabi ng babae sa akin lahat naman daw na nanduun eh for HIV screening. so nag go na ako. binigyan ako ng number which is 28, kinausap muna ako ni vince my councilor about HIV and after non tumuloy na kami sa Blood Extraction. The Medtech who execute the extraction told me that they are using brand new needles, pinakita pa niya sa akin na silyado ang nasabing needle so hindi na ako natakot. After non pinabalik ako after 1-2 hours for the result.
Habang kumakain ako sa 7/11 nandon yung kaba sa dibdib ko, paano kung positive, ewan yun lang ang sagot ko sa sarili ko, after 2 hours bumalik na ako sa RITM, while waiting nagulat ako kasi mas nauna pang tinawag ang 30,29,42 kesa sa akin kaya nag tanong ako, sabi ng babae sa akin hintay lang daw. The moment comes, timawag na ako ni vince, sabi niya sa akin sino ang magbububkas ng envelope ako or siya.. sabi ko ikaw nalang, that moment na tinatangal niya ang result sa sobre tumugil ang pagtibok ng puso ko, nanginginig ako na ewan. pinakita muna niya sa akin yung 2 tests yung isa Hepa b yung isa nakalimutan ko na, nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya na non reactive ako, akala ko tapos na may isa pa palang test, kinuha niya ang pinakahuling papel, tiningnan nya muna ako at tiningnan niyang maigi ang papel he then told me na Reactive ako for HIV.
That min. na sinabi niyang Reactive ako sa HIV, natulala ako, bumagsak nang kusa ang mga luha ko, para akong binagsakan ng langit at lupa na literal, nanginginig ang mga kamay ko at bigla nalang akong niyakap ni vince, doon na ako humagulhol. Ang sabi ko kay vince '' mamamatay na ba ako?''', ang bata ko pa ( 22 Y/O ), bakit?, yun ang malaki kung tanong, bakit ako GOD, mabait naman akong tao. vince let me vent out, paano na ang pamilya ko, paano na si mama, ang mga kapatid ko na umaasa sa akin, paano na ang pangarap kong mag kaanak, paano na nag lahat, that day, I felt hopeless, walang pag-asa, that day 12/29/2013 2:30PM was the worst day in my life. Vince told me of the next step kahit na umiiyak pa din ako , I have to move on and must continue for my Family. Vince told me that by 01/02/2014 I have to go to RITM Alabang for CD4 tests, chest xray at iba pa.
I right away called my Best friend and he was shocked about the result, he cried. sabi niya sa akin nandiyan na yan ano paba ang magagawa natin, mag pagulong gulong man tayu, magmura man at kung ano ano pa.. d na matatangal ang resulta na HIV + ka. Tama siya, dahan dahan kung tinanggap ang resulta. kahit na minsan hinihingi ko sa langit na sana panaginip lang to. pero hindi ..
01/02/2014 pumunta na ako sa RITM alabang, bale sumakay ako ng alabang na Bus from shaw BLVD. at bumaba sa South station, saka tumawid sa kabila sa tapat ng 7/11 para sumakay ng multi cab papuntang RITM. Doon ako dumiretso sa Balmes building sa likod at umakyat sa 3rd floor, as usual madaming tao meron bago, meron mag papa check ulit. binigyan ako ng number at code, hindi ka naman kasi nila tatawagin sa tunay mong pangalan.
kumuha na ako ng orange card worth 125.00. Kinuhaan na agad kami ng dugo for CD4 test, sputum, chest xray at skin test for TB. naghintay kami ng 3 hours for the result and thankful naman ako dahil ang CD4 count ko ay 543. sabi kasi nila ang normal daw ay 500-1500 if mababa ka doon kana ata mag ARV treatment, nalaman din ng doctor na naexposed ako sa Tb kasi nga ang daddy ko may TB before he died, so binigyan ako ng 6months worth of supply ng pang anti TB ( pero sorry hindi ko iniinom kasi nga gusto ko hintayin ang chect xray at sputum tests which will be available after 2 weeks pa )...
for now, sinabihan ako ng friend ko na mag try ng VCO ( virgin coconut oil ) which was advised by one of UP biology professor which help to reduce the number of virus. wala namang masama diba kaya ayun sinubukan ko, daily na din ako bumibili ng buko sa palenke at 2 table spoon per meal ang sa VCO. saka nag laga na din ako ng dahon ng banaba which according sa mga friends ko na may HIV din, makakatulong yun sa pag improve ng immune system mo.
so ngayun healthy lifestyle, at exercise at palage akong kinakausap ng BFF ko.. oo nadun pa din yung side na parang hindi mo pa din siya tanggap pero pasaan bat matatanggap ko din.
yun lang po.. salamat...
ART14
"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"
-Pozziepinoy-
Want to be ASSISTED for the HIV TEST??
Check this link:
If you have comments or questions, please click this link:
© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012
Credits: