My HIV Test Experience by Keith Pogi

Posted by Pozziepinoy on 8:08 AM

Hi Pozzie,

Itago mo na lang ako sa pangalang Keith POGI, Im 27 y/o. I want to share my story sa mga karanasan ko. 

18 yrs old ako nagsimulang mag explore. At that age nagkaroon ako ng unprotected sex sa isang babae. ang pangalan nya ay XXX. Once lang nangyari yung sa amin. Dahil bagito ako at dahil sa tuksuhan naming magkakaklase kaya ako na divirginize at that age. When I was 19 yrs old dito na ako nagkaroon ng experience sa kapwa ko lalaki. May nakilala ako sa isang social networking site at naging kaibigan ko silang mag partner. Honestly may nangyari sa amin that was back in 2005. Unprotected sex pa din. Twice may nangyari sa amin. Pero hindi na iyon nasundan.


Lumipas ang mga taon. Nagkaroon ako mga karelasyon pero hindi nagtatagal dahil alam mo naman sa mundong PLU. 2009 nagulantang ako sa aking nabalitaan. Namatay yung isa sa kaibigan kong mag partner na nakilala ko nung 2005. Ang sabi pulmunya ang kinamatay nya. Sobrang kinabahan ako Possie. May possibility na AIDS ang kinamatay nya. Nakausap ko yung partner nya. At umamin ito sa akin na positive nga sya sa HIV. Sobrang kinabahan ako sa mga narinig ko. Dahil naalala ko yung nangyari sa amin back in 2005. Lumipas ang mga taon hindi ko pinansin. Nilalagay ko sa isipan ko na hindi ako nahawa sa kanila. Nagkaroon pa ako ng ibang karelasyon. At nagkaroon ulit ako ng mga unprotected sex. 

2012 nagplano ako magpatest. Pero lagi ako pinangungunahan ng takot at kaba ko kaya hindi ako matuloy tuloy. Actually 2011 nag start ako mag laylo na.. gusto ko ng low profile na buhay. Gusto ko na din mag asawa at magkapamilya. Gusto ko ng talikuran itong mundo na ito. Nagawa ko din pigilan ang sarili ko. Hindi na ako tulad ng dati na padalos dalos. Utak na pinapagana ko ngayon. 2012 pa ang last sex ko pero protected sex na mga yun. 

Sept 2013 Nagkaroon ako ng backpain. Maplema din ako kaya nagplano akong magpa check up.  Nung nasa hospital na ako for my check up. Nag pa xray ako and everything. Tapos na open ko sa Doctor ko na gusto ko magpa hiv test. Nagulat sya dahil bibihira mag open ng ganun. Naalala ko nung nanunuod ako ng TV. Meron nga daw blog for the HIV in the Philippines. Nag search ako and nakita ko nga itong blogspot mo Possie. 

Nagbasa ako ng mga nakapost na blog from different people. Dahil sa kanila lumakas ang loob kong magpa hiv test. Nabasa ko na may Care Assistance Program kayo. Kaya dalidali akong nag txt kay Marky the PRR Care manager. Kinabukasan nag reply si Marky at nirefer ako kay Prime. Isa sa mga volunteer. Sya ang sumama sa akin mag pa test. Sobrang kinabahan ako dahil nahihiya ako baka may makakilala sa akin. Pero sabi ni Prime discreet yung RITM clinic. Kaya wala ka dapat ipangamba at safe din dun. 

When we arrived there may mga nakapila na for testing. Nag fill up ako ng form. After that kinuhanan na ako ng dugo. Sumunod dun ay ang counseling. Salamat dito madami akong natutunan. Nakapag open din ako sa mga experience ko. Isang way ito para mabawasan ang dinadala kong pangamba. In two hours tinawag na ang numero ko. Oras na ng paghatol. Sobra akong kinakabahan. Para akong mag aaudition sa isang artista search lol. Bago ibigay sa akin ng counselor ko ang resulta. Tinanong nya ako kung anu gagawin ko kapag nag positive o negative ako. Sabi ko pag nag positive ako magpapatreat ako at healthy lifestyle. Tuloy ang laban para mabuhay. Pag negative naman ako Babaguhin ko na ang buhay ko. Mas magiging maingat ako sa mga bagay na gagawin ko, healthy lifestyle at mag aasawa na ako! Binigay na ng counselor ko ang resulta. At ito'y binuksan ko. "NEGATIVE" sobrang tuwa ko nun. 

Naghalohalo ang nararamdaman ko sa mga oras na yun. Lahat ng test NEGATIVE. Nagpray ako kay God. Alam kong binigyan nya ako ng chance magbago. Kaya hindi ko ito sasayangin. Siguro yung nakasex ko ng 2005 that time hindi pa sila positive sa HIV. Kaya ito lesson learned na ito sa akin. Hindi dapat padalos dalos, Mag isip mabuti at higit sa lahat Utak lagi ang gamitin. Salamat Possie sa blog mong ito ang laki ng naitulong nito sa akin. Sobrang lumakas ang loob ko. Salamat Kay Marky at Prime na nag assist sa akin sa testing. Mabuhay kayong lahat. Alam ko madami pa kayong matutulungan. 

Para sa mga nahihiya at naguguluhan dyan na tulad ko. Walang masamang magpatest. Walang mawawala sa inyo. Mas maganda maaga pa lang malaman na natin. Para aware na tayo. Sa mga nagbabasa sana matulungan po kayo ng aking kwento.

Keith POGI







"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



Want to be ASSISTED for the HIV TEST?? 
Check this link:


If you have comments or questions, please click this link:





© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: