Email 429: Mister Happy's Experience

Posted by Pozziepinoy on 5:28 PM

i just wanna share my experience on finally mustering the courage of getting tested.

It was a friday, Sobra yung kaba ko papunta palang ng Clinic. i have read on your blog that one of the best place to get tested is at RITM Clinic sa may manila kaya kahit medyo malayo ako ay dinayo ko talaga

nakita ko na ang clinic pero kinakabahan pa rin akong pumasok nagkaflashback ako ng lahat ng kalokohan ko nung nagsimula ako sa mundong ito. di rin nakatulong na nalaman ko na ang ex ko ay postive


i entered the clinic i was greeted by this guy who i found cute para syang bear cub, o diba, nagpapatest pa lang ako yung mata ko lumalandi,  pasensya na. he showed how to fill up the form given.

after a few minutes he called me to enter a room. nagulat ako, anong gagawin? he later on told me that it was protocol to get counseled. he introduced himself as Arthur, a volunteer from loveyourself. we talked about some things and how to assess my doings. sobrang salamat  ako sa clinic and loveyourself kasi madami akong natutunan. medyo nawala  
yung kaba ko at takot while were talking, ganun pala yun talagang tinatanggal nila yung kaba and try to make you relax. plus cute pa siya kaya it helped sorry nadistract ako

i got my blood extracted after and sabi ni Counselor Arthur to wait for 2 hours, for the result, yun yung pamatay i guess. 2hours waiting feels like forever. kumain nako at bumalik sabi sakin wala pa rin. naka ilang yosi na ako, naka usap ko na din ang ibang counselor na nagduty at nagyoyosi din hanggang andun na ang result.

my  counselor called my number and asked me to again enter the room. i remember all the things he said during that time "recap tayo about things we talked about....... paano ulit ang plano natin pag negative ang lumabas?"

sabi ko i will remain nega and used what i learned here to further protect myself.

"what if the opposite ang lumabas?" at that point naiyak ako ng konti, kinabahan ako ulit, he told me that if ever ganun yun that he would help me how to do things right, and what to  
do. he asked me na kung kaya whatever status ko be safe, nagflashback lahat  
ng unprotected escapades ko. 90% ata ng ginawa ko uprotected and gusto ko ng magbago.

he confirms my name and asked me if ready nako sa result.i said i am.. and ayun...
all was NONREACTIVE. 1year ago before this testing, tanggap ko na sa sarili ko na positive ako.  i lost weight and appetite just thinking that maybe im infected and that  
somehow tinanggap ko na. then hindi naman pala.. and im thankful. he said that baka nastress ako and that affected my weight..

if i never bumped into this blog of yours di ko maiisipang magpatest at harapin ang fear ko. 1year akong praning. salamat sir Pozzie

salamat sa naging Counselor ko at sa loveyourself. i will get tested again pero di nako praning alam ko na ang dapat gawin para makaiwas kasi at i will continue getting tested as part of annual  
regimen

Mister Happy








"WE ARE ALL IN THIS TOGETHER.
NO PLHIV is alone with his or her struggle with HIV!"

-Pozziepinoy-



If you have comments or questions, please click this link:






© Copyright. All Rights Reserved by Pozziepinoy 2012

Credits: